Balita

2 ‘nanlaban’ sa anti-drug ops tinodas

- PNA

KABACAN, North Cotabato – Dalawang umano’y miyembro ng isang drug syndicate ang napatay makaraang manlaban at makipagbar­ilan umano sa mga pulis sa Kabacan, North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Chief Insp. Aldrin Gonzales, tagapagsal­ita ng Police Regional Office (PRO)-12, na ipinatutup­ad ng North Cotabato Police Provincial Office, sa katuwang ang 7th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang mga search warrant laban kina Kobe Abdul Kaludin, Dorex Abdul Kaludin, Boy Talipasan Usman, Randy Abdul Kaludin, at Kamad Mohammad Maambig, pawang taga-Sitio Lote, Barangay Kayaga, Kabacan, nang sumiklab ang engkuwentr­o.

Ayon kay Gonzales, palapit ang mga awtoridad sa Bgy. Kayaga nitong Huwebes ng madaling araw nang salubungin sila ng mga putok ng baril mula sa hinihinala­ng mga miyembro ng sindikato ng droga sa lalawigan.

Nasawi sa sagupaan sina Kobe Abdul Kaludin at Dorex Abdul Kaludin, at nakumpiska umano mula sa mga ito ang isang .38 caliber revolver at isang .45 caliber pistol.

Sa paghahalug­hog sa bahay ng mga napatay, narekober ng mga pulis ang isang granada, isang bala, at isang motorsiklo na walang lisensiya.

Sinaksihan umano ng mga opisyal ng barangay ang nasabing pagpapatup­ad ng mga search warrant.

Matatandaa­ng kababalik lang ng pulisya sa kampanya ng gobyerno kontra droga bilang aktibong suporta, gaya ng militar, sa drug war na pangunahin­g ipinatutup­ad ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Oktubre 10 nang sa pangalawan­g pagkakatao­n ay binawi sa pulisya ang pagpapatup­ad ng drug war kasunod ng serye ng pagpatay ng mga pulis sa mga menor de edad sa mga operasyon nito kontra droga, na karagdagan sa libu-libo nang drug suspects na napaslang sa umano’y panlalaban.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines