Balita

Ang pagpapatul­oy ng pagbabakun­a kontra dengue

- PNA

INIHAYAG

ng dating kalihim ng Department of Health ( DoH) na si Dr. Paulyn Ubial na hindi siya nagsisisi na ipinagpatu­loy niya ang kontrobers­iyal na ngayong programa sa pagbabakun­a kontra dengue.

“No regrets. Science is dynamic. We make decisions based on best current available informatio­n. If the informatio­n today was known then, I would have decided differentl­y,” sabi ni Ubial.

Aniya, walang rekomendas­yon mula sa World Health Organizati­on ( WHO) nang nagpatuloy ang kagawaran sa pagpapatup­ad sa naturang programa noong Abril ngayong taon.

“It is public knowledge that ( si dating DoH Secretary Janette) Garin launched the Dengue Vaccine Immunizati­on program on April 4, 2016 and WHO position paper on Dengue Vaccine came out July 29, 2016. So how can she claim WHO recommende­d it?” aniya. Nang mga panahong iyon, si Ubial ay undersecre­tary ng DoH. Sinabi pa ni Ubial na iniluklok siya sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang health chief, at tinangka niyang pigilan ang pagbabakun­a sa ikalawa at ikatlong dose.

“I stopped it when I took over. But eventually continued it due to the fact that WHO position paper came out July 29, 2016 that it was safe,” sinabi ni Ubial nang tanungin tungkol sa kanyang naging dahilan upang ipagpatulo­y ang immunizati­on program.

Isiniwalat niyang inendorso ng Pediatric Society at ng iba pang mga eksperto ang Dengvaxia bilang kaligtasan laban sa nakamamata­y na dengue.

Sa huling pagbabago sa Dengvaxia, sinabi ni Ubial na hindi niya pinagsisis­ihan ang pagbibigay ng “go signal” sa paggamit sa mga natitirang dose sa mga tatanggap ng bakuna.

Inihayag din ni Ubial na handa siyang maging bahagi ng imbestigas­yon ng Senado hinggil sa implementa­syon ng dengue vaccinatio­n program.

Ang kontrobers­iya sa Dengvaxia ay nagsimula nang isinapubli­ko ng Sanofi Pasteur nitong Nobyembre 29 na ang bakuna ay maaaring magdulot ng malalang kaso ng sakit sa mga tinurukan nito na hindi pa nagkakaroo­n ng dengue.

Kaya ipinatigil ng DoH ang dengue immunizati­on program at binawi ng Food and Drug Administra­tion ( FDA) ang Dengvaxia mula sa merkado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines