Balita

MABUTING BALITA

-

Is 40:1-5, 9-11 ● Slm 85 ● 2 P 3:8-14 ● Mc 1:1-8

Ito ang simula ng Ebanghelyo (o Magandang Balita) ni Jesucristo, Anak ng Diyos.

Nasusulat sa Propeta Isaias: “Ipinadadal­a ko ngayon ang aking sugo na mauuna sa iyo para ayusin ang iyong daan. Narinig ang sigaw sa disyerto: ‘Ihanda ang daan para sa Panginoon, ituwid ang kanyang landas.’ ”

Kaya may nagbibinya­g sa disyerto—si Juan—at ipinahahay­ag niya ang binyag na may kasamang pagsisisi para sa kapatawara­n ng mga kasalanan. Nagpuntaha­n sa kanya ang lahat ng taga-Judea at mga naniniraha­n sa Jerusalem. Inamin nila ang kanilang mga kasalanan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan.

May balabal na balahibong-kamelyo at pang-ibabang damit na katad si Juan, at mga balang at pulot-pukyutang-gubat ang kinakain. At ito ang sinabi niya sa kanyang pangangara­l: “Parating na kasunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yumuko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Sa tubig ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.” ‘Ang daan pauwi’

Naligaw si Estee sa kanilang lugar sa Quezon City. Isang buwan pa lamang silang nakakalipa­t sa lugar na iyon kaya’t hindi pa niya kabisado ang mga daan.

Napansin ng isang pulis si Estee kayat nilapitan siya at tinanong kung ano ang maitutulon­g sa kanya upang matunton ang pamilya ng batang babae. Ngunit nagulat ang pulis sa iminungkah­i sa kanya ni Estee.

“Dalhin na lamang po ninyo ako sa simbahan,” sagot ni Estee sa pulis. “Mula roon, mahahanap ko na po ang daan pauwi sa amin.”

Tuwing Linggo, nakagawian na ng pamilya ni Estee na magsimba; at dahil sa nilalakad lamang nila ang daan patungo sa simbahan at pabalik sa kanilang bahay, kabisado na ni Estee ang daan pauwi.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines