Balita

Sylvia, pang-young star ang schedules

- --Reggee Bonoan

SA edad na 46 ay wala pa kaming alam na sumasakit kay Sylvia Sanchez na napakabili­s kumilos sa lahat ng bagay. Kahit Gen-X pangmillen­nials ang dating niya. At ang schedule niya, hindi pangbetera­nang aktres kundi pang young star. nagagawa nagag Kahit puyatan pa rin ng sa tapings aktres na ng mag Hanggang Saan ay fly in fly out at ka katunayan nitong Huwebes ay lumipad siya ng Davao D City para sa Beautederm Ambassador­s Fashi Fashion show for a Cause kasama si Mat Evans at an ang may-ari ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche Anico Tan.

Balik- Manila si Ibyang nitong Biyernes ng madaling araw at natulog lang ng dalawang oras dahil kaagad ding gumising para sa dumalo sa ginanap na Makabata Anak TV awards sa SGI Philippine­s Headquarte­rs sa Timog na isa siya sa awardee para sa seryeng The Greatest Love.

Post ni Sylvia, “Maraming salamat #AnakTVAwar­ds2017 for the Anak TV Seal and Makabata Award for #TheGreates­tLove #actorslife #happyandco­ntent #career #happiness #grateful # blessed # priceless # thankuLORD. Happy morning.”

Natawa naman kami sa post ng asawa ng aktres na si Art Atayde dahil habang natutulog ay itinabi nito ang award at may caption na, “This is what happens after you get a prestigiou­s award. Congrats to my wife.”

Nitong Sabado naman ng madaling araw ay lumipad si Sylvia kasama ang dalawang anak na sina Gela at Xavi Atayde patungong Nasipit, Agusan del Norte para sa importante­ng bagay na kailangan niyang personal na asikasuhin.

Ngayong Linggo naman ang uwi para sa family day nila dahil bukas ay maaga ang taping para sa Hanggang Saan na panay ang trending ngayon.

 ??  ?? Sylvia
Sylvia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines