Balita

Jane Oineza, hangad ang maraming projects dahil breadwinne­r ng pamilya

- Ni NORA CALDERON

PURING-

PURI ni Jane Oineza ang director nilang si Ian Lorenos sa grand presscon ng Haunted Forest, ang only horror movie na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25 in cinemas nationwide.

“Lahat po kami ng mga kasama ko, sina Jameson Blake, Maris Racal and Jon Lucas, ay napaiyak sa tuwa nang malaman naming nakapasok ang movie namin,” sabi ni Jane. “Ito pa talaga ang ipinangang­ako namin sa inyo na sisigaw kayo kapag napanood ninyo. Kasi ganoon po ang nangyari sa amin nang mapanood namin ang movie. Sigaw po kami nang sigaw.

“Noong ginagawa a po namin, wala naman kaming na-experience xperience na natakot kami. Pero dahil ahil mahusay ang director namin, n, nagawa niya talagang gumawa wa ng mga eksenang matatakot t ang mga manonood.”

Matatandaa­ng na-link a-link si Jane sa basketball player ayer na si Jerron Teng pero ayaw na niyang pag-usapan n ang tungkol doon dahil matagal atagal nang nangyari iyon. Mas gusto pa niyang pagusapan ang boyfriend d niya ngayon, si Kyle Secades cades na dati niyang kasama ma sa

Pinoy Big Brother. Hindi nga siya tumanggi nang tanungin kung sila na ba ni Kyle. Sa Haunted Forest, gagampanan ni Jane ang role ni Nika, anak siya ni Raymart Santiago. Pumunta sila ng probinsiya mula sa Manila, dahil doon na-assign na magtrabaho ang ama. Nag-stay sila sa pinsang si Mitch ( Maris) at nakilala niya roon ang mga kaibigan nito, sina Andre ( Jon) at PJ ( Jameson). Doon nalaman ni Nika na may monster na tinatawag na sitsit na gumagala sa lugar na nangunguha ng mga babae. At isa sa magiging biktima nito si Nika. Doon na magsisimul­a ang mga katatakuta­n sa lugar. Busy ngayon si Jane sa paggawa ng movies, katatapos lang ipalabas ang Bloody Crayons na isa ring horror movie. Ang Haunted Forest ay panibagong break na ibinigay sa kanya ka ng Regal. Pero may ma wish si Jane, ang sana’y mul muli siyang mabigyan ng teleserye ng n ABS-CBN na mother network niya. n Mahusay Mahu na actress si Jane na bata pa ay nakatangga­p na ng best bes child actress award at hanggang hangg ngayon ay kita pa rin ang a kahusayan niya sa pagganap. pagg Breadwinne­r ng pamilya pam si Jane, kaya gusto niyang niya magkaroon pa ng maraming mar projects. Nag- N imbita rin si Jane sa opening day pa lamang lama ng MMFF dahil ang H Haunted Forest ang tiyak na magugustuh­an m ng mga manonood mano na mahilig sa horro horror movies.

 ??  ?? Jane
Jane

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines