Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ikalimang labas

TITIGna titig si Pedring kay Lagring. Aywan kung bakit napahiya yata si Lagring, dalawang kamay, tinakpan ang tinititiga­n ni Pedring. Yumukong parang nahihiya.

“Dati naman, hubad tayo kung maligo,” sabi ni Pedring.

“Hindi na p’wede,” sabi ni Lagring. “Malaki na tayo.” “Kung malaki na, hindi na pwedeng nakahubad.”

Lumabi si Lagring. “Kung walang nakakakita, p’wede.”

“Magkaibiga­n naman tayo, Lagring.”

“Kahit na magkaibiga­n. May mga bagay na hindi dapat ipinapakit­a.”

May kalokohang kumatok sa utak ni Pedring. Sukat bang nakayuko si Lagring, ibinaba ang kanyang shorts. “Tingnan mo ‘ko.”

Tiningnan siya ni Lagring. Nandilat muna. Nagtakip ng mga mata, pagkatapos. Pagkuwan, tumakbo sa ahunan ng patubig. Dinampot ang hinubad na damit at kumaripas ng takbo.

“Bakit ka tumakbo?” Hinahabol na niya.

Hingal na hingak na siya. Hingal na hingal na rin si Lagring bago niya inabutan. Nakuha pa ring isuot ni Lagring ang damit nito.

“Bakit ka tumakbo?” Ulit na tanong ni Pedring.

“Ambastos-bastos mo!” Umiiyak na si Lagring. Muli itong tumakbo habang sumisigaw. “H’wag mo ‘kong susundan! ‘Sumbong kita kay Nana tsaka kay Tatay!”

Hindi na niya sinundan si Lagring.

Pauwi siya, matindi ang kanyang pag-iisip. Bakit kaya ngayon ay naiisip niyang may katuwiran si Lagring na magalit sa kanya.

Paano kung tuluyan nang magalit si Lagring. Paano kung hindi na sumabay sa kanya sa pagpasok sa eskuwela. Paano kung sumabay na sa mga ibang bata. Hindi baleng sumabay sa maraming mga bata; mga lalaki at mga babae. Pero huwag namang pipili si Lagring ng nag-iisang batang lalaking tulad niya. Hindi siya mahilig sa away. Pero pag nakita niya si Lagrin na may kasabay na isa ring batang lalaking tulad niya, mapipilita­n siyang awayin ang batang lalaking ‘yon!

Malapit nang lumubog ang araw, gumawi siya sa may bahay nina Lagring. Nakita niya si Lagring sa may tapat ng bahay nito pero tumakbo si Lagring papanhik sa bahay nila nang makita siya. Gusto niyang sundan si Lagring pero paano kung galit din sa kanya ang mga magulang nito?

Aywan kung bakit pauwi siya’y napapaiyak siya!

Gabi ng araw ng Linggo, hindi makatulog si Pedring.l Si Lagring pa rin ang nasa isip niya. Bukas, magbabaon siya ng mga pandesal na may palamang gatas-kondesada. Marami siyang babaunin.

Paborito ni Lagring ang mga iyon.

Saka nakarinig si Pedring ng mahinang kaluskos. Na sinundan ng mahina ring bulungan.

Maliit ang kanilang bahay na kawayan na mat atip na pawid.

Maliit ang kanilang sala na may karatg na maliit ding silid.

Sa sala siya natutulog katabi ang may dalawang taon niyang utol na si Utoy. Sa silid naman natutulog ang kanyang ama at ina.

Ang bulungan ay mula sa kanilang silid. Tiyak, sina Mang Maryo iyon at Aling Marya, mga magulang niya.

Noon, nakikita rin niya at naririnig na nagbubulun­gan ang kanyang mga magulang lalo na kung malapit nang matulog. Pero noon, hindi siya nagkaroon ng interes na makinig. Ewan kung bakit ngayon, gusto niyang marinig kung ano ang pinagbubul­unganan. O parang gusto niyang makita kung ano talaga ang ginagawa ng mga magulang niya habang nagbubulun­gan.

Nang matiyak niyang tulog si Utoy, maingat siyang bumangon. Sisilip siya sa silid ng kanyang mga magulang o makikinig sa bulungan. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines