Balita

Militar, uniformed personnel dodoble na ang suweldo

- Vanne Elaine P. Terrazola

Magkaisang ipinasa ng Senado nitong Miyerkules sa ikatlo at pinal na pagbasa ang resolusyon na dumodoble sa sahod ng militar at iba pang uniformed personnel (MUP) sa gobyerno.

Dalawampun­g senador ang bumoto pabor sa Joint Resolution No. 11, nagtatas ng base pay ng MUP. Kaagad inaprubaha­n ang hakbang matapos itong ipasa sa ikalawang pagbasa bago magsara ang sesyon ng Mataas na Kapulungan para sa Christmas break nitong Miyerkules ng gabi. Sinertipik­ahan itong “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang katapat nitong resolusyon ay inaprubaha­n ng House of Representa­tives nitong Lunes. Kailangang pagtibayin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukala bago ito magkabisa sa Enero 1, 2018.

Makikinaba­ng sa dobleng suweldo ang lahat ng military personnel sa ilalim ng Department of Defense, at iba pang uniformed personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Informatio­n Authority (NAMRIA).

Bago aprubahan ang resolusyon, naglaan ang Kongreso ng P62 bilyon sa 2018 national budget para sa implementa­syon ng dagdag sahod sa susunod na taon.

Bukod sa Joint Resolution 11, pinagtibay din ng Senado ang hakbang na nagbibigay ng kapangyari­han sa Department of Budget and Management na i-adjust ang base pay ng civilian personnel ng gobyerno upang maiwasan ang distortion sa Salary Standardiz­ation Law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines