Balita

Dalawang holdaper huli sa mga tambay

- Orly L. Barcala

Arestado ang dalawang holdaper matapos makorner ng mga tambay nang holdapin ng mga ito ang delivery boy ng isang water refilling station sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigat­ion and Detective Management Branch ( SIDMB), sinampahan ng kasong robbery hold-up sina Patrize Novo, 22, ng Samonte Street, Diliman, Quezon City; at Arnold Aguirre, 44, ng No. 954 Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigas­yon ni PO2 Jeff Bautista, ng Station Investigat­ion Unit ( SIU), nagpunta si Novo sa Aqua Chinley water refilling station na matatagpua­n sa No. 53 Mac Arthur Highway, Barangay Marulas, Valenzuela City, dakong 6:00 ng gabi.

“Tinanong nung suspek na babae ang telephone number ng water station kasi daw tatawag ang kanilang supervisor para magpadeliv­er ng limang gallon na tubig,” ani PO2 Bautista.

Makalipas ang ilang sandali, may tumawag sa nasabing establisye­mento at nagpa-deliver ng mineral water sa Dhalia St., Villa Theresa Subdivisio­n, Bgy. Marulas.

“Sabi ng caller P1,000 daw ang pera n’ya at magdala ng panukli kasi wala itong barya at para hindi na maabala,” dagdag pa ni PO2 Bautista.

Idineliver ni Jeremy Valencia ang mga mineral water at pagsapit sa sinabing lugar, tinutukan na siya ng kutsilyo ng mga suspek saka kinuha ang perang panukli.

Dali- daling sumakay ang mga suspek sa motorsiklo ( for registrati­on), ngunit nagsisigaw si Valencia na nakatawag-pansin sa mga tambay doon kaya hinarang ang mga suspek at hinuli.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines