Balita

Celo Lagmay Sa kumpas ng Pangulo

-

MISTULANG kidlat ang bilis ng pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao. Isipin na lamang na ang kontrobers­iyal na isyu ay halos apat na oras lamang na tinalakay ng magkasanib na sesyon ng mga Senador at Kongresist­a. At ang resulta ng botohan: 240 mambabatas ang sumang-ayon, 27 ang tumutol, sa kahilingan ni Pangulong Duterte na palawigin ang batas militar sa naturang rehiyon, mula Enero 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018.

Sa loob ng maikling panahon ng paghimay sa masalimuot na isyu, hindi nailingid ang mistulang pagtango ng higit na nakararami­ng mambabatas sa kumpas ng Pangulo. Ibig sabihin, ang majority party na ngayon ay binubuo ng magkakahal­ong lapiang pampulitik­a – kabilang ang ilang tinatawag na mga seguristan­g mga political butterfly – ay kumatig sa kahalagaha­n ng martial law sa Mindanao.

Dahil dito, dapat lamang pasalamata­n ng Pangulo ang Kongreso sa kanilang pag-unawa sa malungkot na kalagayan ng mga Pilipino, lalo na ang mga Mindanaoan­s na laging binabagaba­g ng mga karahasan. Hanggang gayon, kaliwa’t kanan pa rin ang paghahasik ng sindak ng mga rebelde na sinusuport­ahan ng mga dayuhang terorista na tulad ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Bukod pa rito ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pa.

Naniniwala ako na lubhang kailangan ang martial law sa paglipol ng rebelyon at terorismo, lalo na ngayon na nasa kasagsagan ang pag- usad ng programang Bangon Marawi City. Hindi dapat magambala ang rehabilita­syon sa naturang lungsod na winasak ng malagim na digmaan ng mga rebeldeng Maute Group at ng ating mga pulis at sundalo. Katakuttak­ot ang mga buhay na nakitil sa magkabilan­g panig, bukod pa sa mismong mga sibilyan.

Totoo na walang humpay ang panliligal­ig ng mga terorista hindi lamang sa Mindanao. Katunayan, may mga ulat na maging sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, talamak ang pananamban­g at pagpatay ng mga naghahanga­d pabagsakin ang gobyerno. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang isang mambabatas na Tausog ang nanindigan na marapat...

lamang pagapangin ang martial law hindi lamang sa Mindanao kundi sa buong kapuluan. Natitiyak ko na ang naturang pananaw ay nakaangkla sa malimit ipahiwatig ng Pangulo na hindi siya mag-aatubili na ideklara ang batas militar sa buong bansa kung iigting ang mga balak na pabagsakin ang kanyang administra­syon.

Sa kabila ng mga pananaw ng ilang mambabatas at ng mga henyo ng Konstitusy­on na labag sa batas ang pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao, lumitaw na higit na nakararami ang naghahanga­d ng ganap na kapayapaan sa mga lugar na binabagaba­g ng terorismo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines