Balita

Patalbugan ng muse sa PBA Season opening

- Marivic Awitan

UULAN ng kagandahan at kariktan sa Araneta Coliseum sa season opening – Philippine Cup – ng PBA sa Linggo.

Nangunguna sa listahan ng mga matutungha­yang mga muse sina dating Miss World-Philippine­s Laura Lehmann na kasintahan ni dating San Miguel Beer guard Von Pessumal na ngayo’y lalaro sa panig ng TNT Katropa.

Kinuha namang muse ng crowd favorite at reigning Governors Cup champion Barangay Ginebra ang kanilang 2018 calendar girl at dating cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Para naman sa Phoenix, magiging muse nila ang aktres na si Rhian Ramos,habang ang magandang volleyball star na si Rachel Anne Daquis ang magiging musa ng NLEX Road Warriors.

Isang Filipina - Australian model naman sa katauhan ni Jodie Tarasek ang kinuhang musa ng defending Philippine Cup champion San Miguel Beer habang ang television personalit­y na si Phoemela Baranda ang kinuha ng Kia, si dating beauty queen at model na si Hillary Parungao para sa Gobalport at si actress- model Ashley Ortega para sa Black water.

Samantala, bago matapos ang linggo iaanunsiyo ng Alaska, Rain or Shine, at Meralco, ang mga pangalan ng kanilang mga muse

Sa gitna ng kinakahara­p na gusot dahil sa mga ‘ di pagkakauna­waan ng mga miyembro ng board hinggil sa ilang mga isyu, nagkakaisa naman ang buong pamunuan ng liga sa layuning ituloy ang pagbubukas ng 43rd Season ng Philippine Basketball Associatio­n sa Linggo.

Patunay na tuloy na ang opening ng Ika - 43 taon ng liga sa darating na Disyembre 17 sa Araneta Coliseum ang paglalahad ng mga PBA member teams ng mga pangalan ng naggaganda­hang mga dilag na magsisilbi­ng musa nila para sa tradisyuna­l na parada ng mga teams.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines