Balita

Paglilinaw ni Noynoy: WALANG KUMONTRA SA BAKUNA

- Nina HANNAH L. TORREGOZA at LEONEL M. ABASOLA May ulat ni Mary Ann Santiago

Humarap kahapon si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagdinig ng Senado at ipinagtang­gol ang pasya ng kanyang administra­syon na aprubahan ang pagbili ng P3.5bilyon halaga ng bakuna kontra dengue.

Ayon kay Aquino, walang tumutol sa programa ng gobyerno sa pagbabakun­a kontra dengue bago, habang inaaprubah­an, at matapos na aprubahan ang pagbili ng Dengvaxia.

Wala rin umanong malisya sa panig ng pamahalaan ang desisyon nitong maglunsad ng programa sa pagbabakun­a sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon, na ayon kay Senator Richard Gordon ay tatlong rehiyon na may pinakamala­laking voting population.

Una nang sinabi ni Gordon na ang pagbabakun­a ng Dengvaxia sa mahigit 700,000 batang mag-aaral sa mga nabanggit na rehiyon ay may bahid pulitika dahil ginawa ito sa kasagsagan ng kampanya para sa May 2016 elections.

WALANG PAGTUTOL

“Diin ko lang po: Bago nagdesisyo­n ang gobyerno sa Dengvaxia, habang nagdedesis­yon, pagkatapos magdesisyo­n at hanggang sa ngayon, walang nagparatin­g sa akin ng pagtutol sa bakuna,” sinabi ni Aquino sa Senate Blue Ribbon committee at sa Senate committee on health and demography.

“Kaya natin inilunsad ito sa NCR (National Capital Region), Calabarzon at Central Luzon, dahil ayon sa datos ng DoH (Department of Health), ito po ang tatlong pinakaapek­tadong mga rehiyon nung 2015 kaugnay ng dengue,” dagdag pa ng dating Pangulo.

“Sa lahat po ng usapin ngayon ukol sa Dengvaxia, kung ‘di man diretsong sinasabi, ang pakiwari ay kung nagbabakun­a ka, ‘tila nalalapit ka sa pinakamalu­bhang uri ng dengue. ‘Tila nalalapit ka sa kamatayan,” ani Aquino. “Noong kami po ang namamahala, malinaw sa amin, kung tatakutin mo nang husto ang tao, darating ang punto na hindi na sila makakakilo­s dahil sa kaba. Klaro po sa amin noon na trabaho ng gobyerno na pakalmahin at suportahan ang Pilipino.”

Dumalo rin sa pagdinig sina dating Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. at dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.

SA REKOMENDAS­YON NI ONA

Sinabi rin ni Aquino na hindi dapat na sisihin ang kanyang administra­syon sa paglulunsa­d ng programa kontra dengue, dahil inaksiyuna­n lamang niya ang rekomendas­yon ni dating Health Secretary Enrique Ona na kailangang tugunan ang mabilis na pagdami ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon sa dating Pangulo, tinukoy sa memorandum na ipinadala sa kanyang opisina noong Agosto 23, 2010, ang limang rehiyon na nakapagtal­a ng pinakamara­ming kaso ng dengue at dalawa sa mga ito ang may mahigit 100 porsiyento­ng pagtaas.

“Kaya naghanda tayo sa worst case scenario: sa 2.8 million na kataong na-dengue, i-multiply mo sa 20,800, ang buong gastos: P58.2 billion,” paliwanag ni Aquino.

Ayon kay Aquino, nagtungo siya sa Paris para sa Climate Change Conference noong Disyembre 2015 at tinalakay nila ang isyu ng dengue hanggang maipaalam sa kanila na may bakuna kontra dengue na ang Sanofi Pasteur, ang kauna-unahan sa mundo.

“Ang intindi natin sa Dengvaxia, natapos na ang local at internatio­nal processes nito. Tiningnan namin ang US FDA. May five steps ito: Discovery and Developmen­t, Preclinica­l Research, Clinical Research, FDA Review at Post- Market Safety Monitoring,” paliwanag ni Aquino. “Paliwanag sa akin, US FDA ang nagre- regulate sa internatio­nal clinical trials. Dahil dumaan sa ganitong mga proseso, ang alam natin, safe na ang Dengvaxia para sa tao.”

“Diin ko na rin po, hindi lang Pilipinas ang nag- apruba ng Dengvaxia. Nauna sa atin ang Mexico at Brazil,” dagdag pa ng dating Pangulo.

OVERPRICED

Samantala, iimbestiga­han ng DoH ang katotohana­n sa likod ng balitang overpriced umano ang pagbili ng kagawaran sa bakuna, makaraang mabunyag sa congressio­nal inquiry na binili ng tig- P1,000 ang bawat vial ng Dengvaxia, sa halip na P600 lamang.

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na maging siya ay labis na nagulat sa pagsisiwal­at ng House committee on good government and public accountabi­lity, na inirekomen­da na ibenta ang Dengvaxia ng $21 o katumbas ng P1,000, sa halip na $13 o P600.

 ?? ALI VICOY ?? DUMEPENSA Humarap kahapon si dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrobers­iya sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia. Idinepensa ng dating Presidente ang kanyang administra­syon sa pag-apruba sa...
ALI VICOY DUMEPENSA Humarap kahapon si dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng kontrobers­iya sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia. Idinepensa ng dating Presidente ang kanyang administra­syon sa pag-apruba sa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines