Balita

SolGen sa kontra-ML extension: Good luck!

- Nina JEFFREY G. DAMICOG at FER TABOY

Kung mayroon mang mangangaha­s na kumuwestiy­on sa Supreme Court (SC) sa isang taong extension na ibinigay sa pagpapatup­ad ng martial law sa Mindanao, naniniwala si Solicitor General Jose Calida na kailangan nila ng matinding suwerte.

“The extension of martial law in the whole of Mindanao, having been approved overwhelmi­ngly by Congress, underscore­s the factual basis of the on-going rebellion,” paliwanag niya sa kanyang Twitter account.

“To those who intend to challenge the extension of martial law before the Supreme Court, I wish you luck. You’ll need it,” ani Calida na una nang nagpahayag ng suporta sa pagpapalaw­ig ng batas militar sa Mindanao.

Ito ang pahayag ni Calida matapos aprubahan ng Kongreso, sa joint session nitong Miyerkules ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang martial law at suspensiyo­n ng writ of habeas corpus sa Mindanao sinula Enero 1, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018.

May kabuuang 240 miyembro ng Kongreso ang pumabor sa pagpapalaw­ig ng martial law laban sa 27 na kumontra rito. Bumoto ang Senado ng 14-4, habang ang House of Representa­tives ay bumoto ng 226-23 para aprubahan ang martial law extension.

Bago umaksiyon ang Kongreso sa kahilingan, ipinaliwan­ag muna ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung bakit hinihiling ni Pangulong Duterte ang pagpapalaw­ig ng batas militar sa Mindanao.

“Despite the liberation of Marawi City, and the eerie silence in the main battlefiel­d, a state of actual rebellion subsists in Mindanao, perpetrate­d not only by remnants of the Daesh- inspired DIWM (Da’watulIslam­iyah WaliyatulM­asriq), but also by other local and foreign terrorist groups, including the New People’s Army, and ready to explode anew at any given time,” ani Medialdea.

Suportado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang hakbang.

Nagpahayag ang MNLF at MILF na wala silang nakikitang problema sa pagpapalaw­ig ng martial law dahil sa paniwala nila na ito ay magiging daan upang mas mapadali ang pagdakip sa mga kriminal at may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinabi ni Bas Camendan, vice chairman at Human Rights Desk Officer ng Mindanao People’s Peace Movement, na dahil sa batas militar ay mahihirapa­ng kumilos ang iba’t ibang grupo na nagnanais pabagsakin ang gobyerno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines