Balita

Coco at Vice, close fight sa MMFF

- –Reggee Bonoan

MUKHANG mainit talaga ang labanang Coco Martin at Vice Ganda ngayong 2017 Metro Manila Film Festival simula sa Disyembre 25 dahil kahit saan kami magpunta, pelikula nila ang pinag-uusapan.

Narinig namin sa Korean restaurant sa Timog, Quezon City na kinainan namin noong isang linggo na pinag-uusapan ng mga Chinese na Gen-Xers na gusto raw nilang mapanood ang Gandarrapp­iddo The Revenger Squad at ang Haunted Forest. Pelikula nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla at nina Jane Oineza, Jon Lucas, Loisa Andalio at Jameson Blake ang binabanggi­t nila.

Sa isang fastfood chain sa Tomas Morato kamakailan, pawang millennial­s naman ang nag-uusap g-uusap at solid na panonoorin daw nila si Coco Martin sa Ang Panday.

Gusto rin naming ibahagi, Bossing sing DMB na bayani pala ang tingin ng anak ng isang ang kaibigan namin kay Coco.

“Tinuturuan ko ng assignment nt ang anak ko, tinanong ko kung sino ang National ional Hero ng Pilipinas, sukat bang isagot, Coco Martin, artin, dahil yata sa Probinsyan­o. Napakamot na lang g ako ng ulo,” nailing na kuwento sa amin.

Isa pang anak ng kaibigan namin n na kung tawagin namin ay Pogi, dahil pogi naman talaga, ang idol daw niya ay, “si Choko Martin.”

Kaya sure nang Ang Panday ni Coco co ng panonoorin ng mga bata pagsapit it ng filmfest sa Pasko.

Ang mga batang babae ay pelikula a naman ni Vice ang panonoorin, “The e Revenger po, kasi gusto namin si GGV.”

Heto na ang nakakabali­w, Bossing DMB, katsikahan namin ang sikat na artista at nalaman namin na may pustahan silang P100,000 ng asawa niya.

“Pustahan kami ng asawa ko, sabi ko Ang Panday ang number one. Siya naman si Vice raw ang number one, kaya pustahan kami ng one hundred thousand,” kaswal na kuwento sa amin. Seryoso ang pustahan nilang mag-asawa? “Oo naman. Hindi naman kami naglolokoh­an.” Napa-wow na lang kami dahil parang isang libo lang sa mag-asawa ang isandaang libong piso, palibhasa parehong sikat at malaki ang kita. Sinadya a naming limitado lang ang clue para walang isyu.

In fairness, sa k kinainan naming restaurant sa Gateway Mall na may nakatabi kaming mga estudyante ay All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ang type panoorin bago ang Siargao nina Jericho Rosales at Erich Gonzales at Haunted Forest ng Regal Films. So, batay sa aming informal survey, neck-to-neck talaga sa number one slot ang Panday at Revenger Squad at mukhang number three ang Haunted Forest, at maglalaban sa number 4 and 5 ang All of You at Siargao.

Kung ano ang number 6, 7 at 8 ay abangan na lang natin simula sa Disyembre 25.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines