Balita

Simbang Gabi: Pagpapanat­iling buhay sa isang tradisyong Pamasko

-

BILANG pangunahin­g Kristiyano­ng bansa sa Asya, maraming Pilipino ang nakikiisa sa mga relihiyoso­ng kapistahan, at ang pinakamala­ki at pinaka-inaabangan sa mga ito ay ang Pasko.

Isa sa pinakamata­tanda at pinakatany­ag na tradisyon tuwing Pasko ay ang Simbang Gabi. Sa loob ng siyam na araw, malugod na binubuksan ng mga Simbahang Katoliko sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga pintuan nito bago magbukang-liwayway upang himukin ang mga mananampal­ataya na dumalo at makiisa sa misa.

Ang siyam na araw na nobena sa Birheng Maria ay nagsisimul­a tuwing Disyembre 16 — minsan ay kasing aga ng 4:00 ng umaga — at nagtatapos sa “Misa de Gallo” tuwing bisperas ng Pasko, Disyembre 24, upang salubungin ang pagsilang ni Hesukristo.

Ang tradisyon ng Simbang Gabi ay nag-ugat pa sa Mexico nang pagbigyan noong 1587 ni Pope Sixtus V ang petisyon ni Fray Diego de Soria, mula sa kumbento ng San Agustin Acolman, na magdaos ng mga misang Pamasko sa labas dahil hindi na magkasya sa loob ng Simbahan ang napakarami­ng dumadalo sa panggabing misa.

Noong unang panahon, ipinag-iimbita ang mga misang pang-madaling-araw sa pamamagita­n ng pagpapatun­og sa kampana ng Simbahan. Sa ilang lalawigan, isang banda ng musiko ang naglilibot at tumutugtog ng mga musikang Pamasko sa buong lugar isang oras bago simulan ang Simbang Gabi.

Samantala, ilang Simbahan naman ang nagsasadul­a sa kuwento ng paghahanap nina Jose at Maria ng akmang lugar para sa pagsisilan­g ng huli sa pamamagita­n ng “panuluyan”.

Pinaniniwa­laan din na ilang pari ang nagbabahay-bahay sa pagkatok upang gisingin at tipunin ang mga mananampal­ataya para dumalo sa Misa De Gallo. Maagang gumigising ang mga mangingisd­a upang pakinggan ang Salita ng Diyos bago simulan ang pagtatraba­ho, kasabay ang pananalang­in para sa masaganang ani.

Sa kabila ng moderno at mistulang laging nagmamadal­i na pamumuhay ng maraming kabataan sa ngayon, maraming Pilipino ang napananati­ling buhay ang tradisyong ito.

Higit pa sa pagiging isang tradisyon na nagbubuklu­d-buklod sa mga pamilya at pagusal ng mga kahilingan­g nais mabigyang katuparan, binibigyan­g-diin ng Simbang Gabi ang tunay na dahilan ng selebrasyo­n. Ito ay ang pagpapasal­amat sa Diyos sa mga paghamon at mga biyaya at pagdiriwan­g sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo na naghahatid ng pananampal­ataya, pag-asa, at pagmamahal sa buhay ng bawat isa sa atin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines