Balita

MABUTING BALITA

Is 48:17-19 ● Slm 1 ● Mt 11:16-19

- “SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuya­n? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakanta­han, at nagrerekla­mo ang ilan sa kanila: “Tinugtog namin ang plauta para sa inyo pero ayaw n’yong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na awit, ayaw n’yo rin namang umiyak!’

“Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno, at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ At saka dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw, kaibigan ng mga publikano at mga makasalana­n!’ Gayon pa man, magaling ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.” PAGSASADIW­A:

Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakanta­han, at nagrerekla­mo ang ilan sa kanila.— Ikinumpara ni Jesus ang mga taong tumutuligs­a sa kanya sa mga batang tila hindi maintindih­an ang gusto sa buhay. Sabi nga nila “sala sa init, sala sa lamig.” Sila ang mga taong gumagawa o nag-iisip ng mga bagay na taliwas sa inaasahan. Sala sa init at sala din sa lamig ang tingin natin sa mga taong sa halip na gumawa ng mabuti ay masama ang ginagawa. Maaari din namang mangyari na ang itinuturin­g na mabuti ay siya namang masama para sa kanila at ang masama naman ay itinuturin­g na mabuti.

Gumawa si Jesus ng kabutihan ngunit masama pa rin ang tingin ng kanyang mga kaaway. Nakisama siya sa mga makasalana­n upang akayin sila sa kabutihan ngunit napagkamal­an pa siyang makasalana­n. Naglaan si Juan ng panahon sa ilang upang magdasal at mag-ayuno ngunit ang tingin sa kanya’y sinasapian ng demonyo. Sa kabila ng mga pagtuligsa, nanatiling matatag si Jesus sa pagsasakat­uparan ng kalooban ng Ama. Nanatili siyang mabuti sa gitna ng kasamaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines