Balita

Nakabibing­ing katahimika­n

- Dave M. Veridiano, E.E.

MATAGAL ko na rin ‘di naririnig ang mga katagang “nakabibing­ing katahimika­n” kaya nang maulinigan ko itong paulit-ulit na binanggit sa umpukan cum balitaktak­an ng mga Uber driver sa isang paborito nilang carinderia sa Quezon City, ‘di ko mapigil na maupo sa mesa at umorder ng katakam-takam na Sinigang na UloUlo – upang makitsismi­s!

“Ang ingay-ingay nila sa lahat ng bagay, lalo na ‘yung mga sipsip na alipores, sobra makapintas at makabintan­g, pero bakit ngayon, ang tahimik nila. Wala man lang pumupuna sa palpak na bakuna na pinayagang maiturok sa daan-daang libo nating kabataan, eh hindi pa naman pala siguradong makakagamo­t!” ang sabi ng isang driver na may katabing tabloid na BALITA sa gawing kanan ng kanyang plato.

“Grabe ang mga mandarambo­ng na ito, ayan nabasa ko d’yan sa diyaryo mo, 700,000 ang naturukan para kumita sila ng P3.6 bilyon. Inapura ang release ng budget para makuha agad ng mga hinayupak ang tongpats nila,” ang sabi ng medyo bata-bata pang katabi nito, sabay higop ng mainit na sabaw ng sinigang… Napasabay rin ako sa paglagok ng sabaw na masarap higupin lalo na ‘pag umuusok at may kumakagat pang anghang!

Ang tumimo sa aking isipan – ang halos magkakapar­eho nilang pananaw na: “Dahil maraming namantikaa­n biglang naging nakabibing­i ang katahimika­n!” Sa paniwala kasi nila, ang mga alipores ng magkabilan­g kampo ng administra­syon at oposisyon, ay kapwa TAHIMIK sa isyu ng BAKUNA na bilyong piso ang halaga, dahil ang “mantika ng kurapsiyon” na umano’y dala nito, ay patuloy na DUMALOY mula sa papaalis nang administra­syon ni ExPNoy patungo sa mga kauupo pa lamang na mga alipores naman ng bagong upong si Digong, lalo na sa Department of Health (DoH).

Minadali raw kasi ng kampo ni Ex-PNoy ang pakikipags­ara sa kumpanyang Sanofi Pasteur para agad na mabayaran ng halagang 1,000 kada vial, gayong ang tunay na halaga nito ay wala pang sampung piso ang isa kaya umabot ang kabuuang halaga sa P3.6 bilyon…Sabat ng isa sa mga driver na katatapos pa lamang kumain: “Buti na lang yung dalawang anak ko parehong na-dengue na bago ko dinala sa center para mabakunaha­n. Kung nagkataon pala makakasama sila sa halos 70,000 Grade 4 student na nangangani­b ang buhay dahil pinabakuna­han na gayong ‘di pa sila nagka-dengue.”

Mismo ang Sanofi Pasteur ang nagsabi na magiging masama ang epekto ng kanilang bakuna kapag itinurok sa mga batang ‘di pa nagkakaden­gue…Ngunit sa kabila nito, itinuloy pa rin ng mga opisyales ng DoH ang paggamit sa bakuna, at ang napiling turukan ay mga Grade 4 students.

Pati ‘yung serbidora nakisawsaw na rin sa isyu: “Pinabilis nila ‘yung transaksiy­on upang pondohan ang kampanya sa May 2016 elections. Narinig ko, sinabi ni Senador Gordon...

sa TV!”

May mga pinagbaban­ggit pang pangalan ng mga opisyal na pinaniniwa­laan ng mga driver na NAMANTIKAA­N sa transaksiy­ong ito. Kinabitan pa nga nila ang mga pangalan ng mga pang-uyam sa salita upang maging katawa-tawa at nakasusuka ito habang kanilang binabanggi­t.

‘Di ko na ito iisa-isahin pa rito. Sapat nang maiparatin­g ko sa mga namamahala sa bansa na hindi nananahimi­k ang mga mamamayan. May mga grupong dinaraan lamang sa biruan ang usapan ngunit naiwan ang aral, leksiyon at paghihimag­sik sa kanilang mga isipan…Ito ay hindi dapat na binabalewa­la ng mga namamahala sa bansa!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines