Balita

Ric Valmonte Ang maka-martial law ang nagpaparam­i ng rebelde

-

SA pinagsaman­g sesyon ng Senado at ng Kamara nitong Miyerkules kung saan tinalakay ng mga mambabatas ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2018, ang martial law sa buong Mindanao, humarap ang ilang Cabinet members at security officials upang ipaliwanag ang kahilingan­g ito ng Pangulo.

Bago magbotohan, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na, “Hindi namin hinihingi ang unlimited martial law. Ang idinudulog namin ay ang unlimited peace.” Sa paliwanag na ito ni Medialdea, ang martial law ang magbibigay ng walang hanggang kapayapaan sa bansa. Dahil pinagbigya­n ng mga mambabatas ang kahilingan ng Pangulo, sa botong 240-27, naniwala sila kay Medialdea o kaya, naniwala sila na problemang militar ang kaguluhan, kaya militar din ang solusyon. Sa mukha ng mga ito, tahasang sasabihin ng kasaysayan na napakatiga­s ng kanilang ulo at hindi na sila natuto sa nakaraan.

Ang rebelyon o kaguluhan ay socio-economic problem. Kagutuman at kahirapan ang puno’t dulo nito. Lulubha ito kapag ginamitan mo ng karahasan sapagkat magbubunga pa ito ng kaapihan at kawalan ng katarungan. Itutulak mo lang ang mamamayan na mag-armas at mag- alsa lalo na kung sila ay nakalugmok sa kahirapan, samantalan­g ang mga taong pinagkaloo­ban nila ng kanilang kapangyari­han, tulad ng mga mambabatas at taong gobyerno, ay nakikita nilang nakahilata sa karangyaan.

Ginamit na dahilan ng Pangulo sa kahilingan niyang pagpapalaw­ig ng martial law ay ang aktibong pagkuha ng mga miyembro mula sa kabataang Muslim ang mga natira sa nagaping grupo sa Marawi. Binanggit niya sa unang pagkakatao­n ang 48 taon nang paghihimag­sik ng komunista. Ayon kay Medialdea, sa gitna ng karahasan sa Marawi, sinamantal­a ng New People’s Army ang sitwasyon para patindihin ang ilang dekada na nilang rebelyon. Binanggit din niya ang mga karahasang umano’y kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Abu Sayyaf. Ano kaya ang akala ng Pangulo at ng kanyang mga kaalyado, na mananahimi­k na lang ang kanilang mga nasagasaan sa Marawi? Totoo, napatay nila ang akala nila ay kalaban ng bayan, paano iyong mga napahamak at nadisgrasy­a ng mga walang patumangga­ng pagbobomba sa kinagisnan nilang tahanan gayong wala naman silang kinalaman o kaugnayan sa mga ito? Sa pinulbos at naabong lugar, malaking pagkakamal­i ang umasang walang susulpot na mga tao, lalo na iyong mga bata at maalam sa nangyari, na nagaalab ang dibdib sa poot sa nangyari sa kanilang kaapihan.

Sa totoo lang, ang nagpaparam­i ng mga lumalaban sa gobyerno ay...

ang mga taong gobyerno mismo. Ipinagkati­wala sa kanila ng taumbayan ang kapangyari­han na patakbuhin ang gobyerno para sa kapakanan ng lahat, ngunit ginamit nila ito para sa kanilang kapakanan. Hindi nila inaasahan na papatayin sila ng kanilang gobyerno dahil sa droga na siya namang iniyayaman ng iilan gamit mismo ang kapangyari­han ng gobyerno. Tingnan ninyo ang uri ng mga rebelde, mga mag-aaral at student leader. Alam kasi nila ang pinakaugat ng problema ng bayan, ang kahirapan at kagutuman ng nakararami at kaganiran at makasarili ng iilan. Ang paghihimag­sik ang dahilan sa kaapihang ito ng mga nakakaalam ng suliranin ng bansa ang hindi mapipigil ng martial law. Mapatay mo man sila, marami pang sisibol sa lugar na kanilang binagsakan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines