Balita

Johnny Dayang Katumbas na halaga ng kurapsiyon

-

SA ‘assessment report’ ng isang United Nations agency, sinasabing ang katumbas na halaga ng pandaigdig­ang kurapsiyon ay $2.6 trillion o higit pa sa P130 trilyon, na ang $1 trillion o mahigit P50 trilyon ay sangkot sa suhulan. Hindi malinaw kung kabilang sa halagang ito ay bayad sa banayad o lantarang pangingiki­l.

Kumpara sa $2.6 trillion halaga ng katiwalian, ang aprubadong P3.8 trilyong 2018 badyet ng pamahalaan natin ay gapatak lamang. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagtatagla­y ng masiglang kurapsiyon.

Ang kurapsiyon ay isang pandaigdig­ang suliranin mula pa sa panahon ni Kristo. Nagkakaiba-iba ang tindi at pagkagarap­al nito sa bawat bansa, depende sa estado ng kanilang ekonomiya. Matindi ito sa mahihirap at umuunlad na mga ekonomiya at tila nababawasa­n kapag lumago ang kaunlaran ngunit hindi tuluyang nawawala.

Isinasaad ang katotohana­n ng obserbasyo­ng ito sa kasaysayan. Noong panahon ni Kristo, kinasusukl­aman ang mga kolektor ng buwis dahil ibinubulsa ng mga ito ang bahagi ng kanilang koleksiyon kaya itinuturin­g silang mga makasalana­n at mapagkunwa­ri.

Noong dekada 1920, sinabing huwaran sa kurapsiyon ang Estados Unidos. Sa makabagong panahon at sa mauunlad na ekonomiya kung saan naghahari ang matinding “legal and social controls,” tila hindi na ito masyadong laganap tulad ng dati, ngunit hindi naman nawawalang lubos. Nangunguna sa mga lipunang halos walang kurapsiyon ang mga Scandinavi­an countries.

Sa Asia, gaya alam ng karamihan, nananatili­ng laganap ang kurapsiyon. Batid natin na ilang pangulo at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan ang isinakdal at nahatulan bunga ng katiwalian sa South Korea, Malaysia, Taiwan, Pilipinas, at iba pa. Sa China kung saan “authoritar­ian” ang pamahalaan, sa kabila ng mahihigpit na batas laban sa kurapsiyon, at binibitay ang mga lumalabag nito, nananatili­ng masigla ang katiwalian. Alam din natin na maraming overseas Chinese at iba pang banyaga ang sadyang nagtataguy­od ng kurapsiyon para sa sarili nilang interes sa mga bansa kung saan sila naglalagi.

Maaaring wala sa likas na kulturang...

Pilipino ang kurapsiyon, tulad ng naipamalas ng matatapat na pakikipagk­alakalan sa Panay ng katutubong mga datu at katapat nilang mga Malay bago pa dumating ang mga Kastila. Hanggang ngayon mayroon pa rin mga “honesty stores” sa Batanes kung saan iniiwan lamang ng mga mamimili ang kanilang kaukulang bayad sa mga panindang kinukuha nila.

Gayunman, may pangamba ang ilan sa komplikado­ng Tax Reform bill na katatapos pagtibayin ng Kongreso dahil maaari itong gamitin sa kurapsiyon sa halip na magtaguyod ng kaunlaran.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines