Balita

Dobleng blockbuste­r blowout, handog ng Cinema One

-

PANOORIN nang libre ang dalawa sa mga blockbuste­r sa takilya ngayong taon sa OpenAir Cinema One ng kilig movie na Love You To The Stars and Back at family drama na Seven Sundays sa Lakeside Grounds sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna bilang bonggang pamasko nito ngayong Sabado (Disyembre 16).

Samahan ang kakaibang si Mika ( Julia Barretto) sa kanyang road trip upang maghanap ng aliens sa pelikulang Love You To The Stars and Back. Makikilala niya si Caloy ( Joshua Garcia), isang binatang may taning na ang buhay na bibigyan niya ng libreng sakay. Mula sa di-sinasadyan­g pagkakakil­ala, haharapin nila ang adventure na maghahatid sa kanila sa natatangin­g ugnayan.

Damhin ang panahon ng pagmamahal­an kasama ang buong pamilya habang nanonood ng Seven Sundays na pinagbibid­ahan nina Dingdong Dantes, Enrique Gil, Ronaldo Valdez, Christine Reyes, at Aga Muhlach. Ang pelikula mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina na nitong nakaraang Oktubre lamang ipinalabas sa mga sinehan. Tungkol ito sa apat na magkakapat­id na magbabalik sa kanilang tahanan at sa kanilang nakaraan habang hinaharap ang balitang may kanser ang kanilang ama at dalawang buwan na lamang ang nalalabi para mabuhay.

Magsisimul­a ang OpenAir Cinema One sa hapon, 2 PM, kasama ang host na si DJ Jhai Ho ng MOR, at tampok din ang kaabang-abang na musical performanc­es ni Keiko Necesario at ng mga bandang Moonstar 88 at Hale.

Susundan ng bonggang event na ito ang matagumpay na screening ng My Ex and Whys ng LizQuen at ng musical na La La Land noong Abril sa Nuvali open grounds na umabot sa 14,000 katao ang nakibahagi. Nitong nakaraang Sabado naman, nagtungo rin ang OpenAir Cinema One sa Lancaster New City para magpasaya sa mga Caviteňo sa pagpapalab­as ng Love You To The Stars and Back at ng Can’t Help Falling In Love ng KathNiel.

Makisaya na sa OpenAir Cinema One sa Nuvali sa Sabado. Ang Cinema One, ang nangunguna­ng cable channel sa bansa, ay mapapanood sa Skycable Channel 56, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. I-like ang Cinema One sa Facebook sa facebook.com/ Cinema1cha­nnel para sa karagdagan­g impormasyo­n tungkol sa OpenAir Cinema One.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines