Balita

Ralph Maverick Roxas, baguhang may ibubuga

- Ni NITZ MIRALLES

INTRODUCIN­G sa indie film na Sikreto Sa Dilim ang child actor na si Ralph Maverick Roxas bilang ang ulilang si Angelo na maraming masakit na pinagdaana­n na dala-dala hanggang paglaki. May malaking twist ang karakter ni Angelo na mahusay na nagampanan ni Ralph at itinuloy ni Akihiro Blanco bilang older Angelo. Sa direction ito ni Mike Magat na gumaganap din sa pelikula bilang adoptive dad ni Angelo at siya ring writer at director ng pelikula. Kasama rin sa cast sina Lovely Rivero, Dianne Medina, Kikay

Mikau at Ricardo Cepeda. Suspense-drama ang Sikreto Sa Dilim na nanalong Independen­t Achievemen­t Award in the Internatio­nal Film Festival Manhattan 2017 held in New York City. Produced ito ng RM8 Entertainm­ent Production­s at Sonza Entertainm­ent Production­s.

Bata pa, gusto na ng 12- year- old na si Ralph na maging artista at sundan ang idolo niyang sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson at nadagdag si Akihiro. Nakita ng parents niyang sina Mr. Ramon Roxas at Myra Roxas na seryoso sa pagarte at may acting talent ang anak nila nila, kaya sinuportah­an nila ito.

“Gusto kong umarte at sa support and guidance of my parents, natupad ang dream ko. Nag-enjoy ako sa shooting and they were teasing me because I don’t want to go home kahit wala na akong eksena,” kuwento ni Ralph na inglisero bilang Grade 7 student sa Ateneo de Manila University.

Bukod sa mga magulang, inspiratio­n din ni Ralph ang kanyang Ate Sophia Nicole na special child at kahit 17 years old na, hindi nakakapags­alita at makalakad at dependent sa parents niya pati sa pagkain.

“She really motivates me to do my best sa showbis man o sa pagiging lawyer na isa rin sa gusto kong maging,” pagtatapos ni Ralph.

 ??  ?? Ralph
Ralph

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines