Balita

Joross, ‘di ikinahihiy­a ang pagganap na bading

- Ni NORA CALDERON

EXCITED na si Joross Gamboa na sumakay sa float ng entry nilang Deadma Walking sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 23.

Pabirong kuwento niya, hindi ito ang first time na pagsakay niya sa float, pero kung may pelikula siya sa MMFF sumasali lang siya sa parada at pagkatapos ay naghihinta­y na lang ng bonus sa kinita ng pelikula. “But this time po, iba, dahil kami ni EA ( Edgar Allan Guzman) ang bida rito at sasakay kami sa float na nakadamitb­abae,” sabi ng aktor. “Kaya kami pong dalawa ni EA, gagawin namin ang lahat para mai-promote namin ang movie, dahil hindi po namin ito ikahihiya, much as hindi ko ikinahiya na gumanap na isang beshie, kaming dalawa ni EA. Story po kasi ito ng friendship ng dalawang magkaibiga­n at kung paano sila sumuporta at naging loyal sa isa’t isa.”

Nagkaroon na sila ng celebrity screening na dinaluhan ng mga kaibigan nila sa industriya, kabilang si Paolo Ballestero­s at ang isa sa mga bida ng My Korean Jagiya na si Alexander Lee na inimbita ni EA. Dumalo rin sina Angel Locsin at boyfriend na si Neil Arce. Biniro namin si Joross nang ipakita ang full trailer ng movie na ang daming nag-cameo role sa kanila.

“Labis nga po ang pasasalama­t ko sa lahat ng pumayag na mabraso ko para mag-cameo role, sabi ko sa kanila, like sina Piolo Pascual at Gerald Anderson, na dati kami ang sumusuport­a sa kanila ngayon naman kami ang suportahan nila. Overwhelme­d nga kami ni EA nang i-set ni Direk Julius Alfonso ang shooting at sunud-sunod silang dumating at naghintay ng kanilang turn na mai-shoot. Si Papa P ang unangunang dumating pero naghintay siya kung kailan siya isu-shoot. Mabuti na lang si Dimples ( Romana), siya nagasikaso sa kanila, siya ang naglabas ng mga snacks para sa kanila. Kaya salamat sa kanilang lahat, kina Iza Calzado, Eugene Domingo at kina Direk Joel Lamangan at Direk Marlon Rivera. Ganoon din iyong ibang nakatrabah­o ni Direk Julius, sumuporta silang lahat. Inabot yata ng more than 20 artists ang nag-cameo role sa amin. Ginawa po nilang mamahalin ang movie namin dahil sa libreng pagpayag nilang mag-guest.”

Dream ni Direk Julius na manalo o mag-tie sina Joross at EA ng best actor.

“They are not the first choice (dahil may iba siyang kinonsider sa roles pero may conflict sa schedule ng shooting), but they are the final choice and they are the best choice,” sabi ng direktor.

Thankful si Joross na napakasupp­ortive ng wife niya sa kanyang role, pero hindi raw siya umuuwi ng bahay nila na naka-costume pa. Pagdating sa bahay, siya na si Joross Gamboa.

Produced by T-Rex Production­s, Inc. at OctoArts Films, mapapanood na ang movie na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Parental Guidance (PG) naman mula sa MTRCB. Mapapanood na simula sa December 25 sa mga sinehan nationwide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines