Balita

DoH inilunsad ang Philippine National Standards for Drinking Water of 2017

- Department of Health

IPRINISINT­A ng Department of Health (DoH) nitong Martes ang Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW) of 2017 sa iba’t ibang stakeholde­rs. Ang nasabing patakaran ay kumakatawa­n sa DoH Administra­tive Order No. 10 series of 2017, na nagsasaad ng standards at procedures sa kalidad ng inuming tubig, na layong protektaha­n ang kalusugan ng publiko at ng mga consumer.

Saklaw ng PNSDW of 2017 ang lahat ng nagbibigay ng serbisyo sa distribusy­on ng inuming tubig kabilang ang gobyerno at mga pribadong developer at mga operator, mga supplier, water refilling station operators, water vending machine operators, at ice manufactur­ers.

Ito ay dapat ding tuparin ng lahat ng establisim­iyento ng pagkain, mga tirahan, commercial, industrial at institutio­nal na mga gusali, na gumagamit, nagsusupla­y at nagbibigay ng inuming tubig; water testing laboratori­es; health at sanitation authoritie­s; Ang publiko at lahat ng sangkot sa pagdedeter­mina ng kaligtasan ng inuming tubig ng publiko.

Ang mga pangkalaha­tang alituntuni­n ay sumusunod sa mga pamantayan para sa kalidad ng inuming tubig, sampling ng tubig at ebalwasyon ng mga resulta sa eksaminasy­on.

Bukod pa rito, ang mga pamantayan­g ito ay parepareho, sa pinahusay na balangkas para sa kaligtasan ng pag-inom ng tubig na ini-promote ng WHO, na binubuo ng tatlong pangunahin­g bahagi: mga target na nakabatay sa kalusugan na itinatag ng awtoridad; ligtas na pinamamaha­laang mga sistema ng tubig (aplikasyon ng planong kaligtasan ng tubig); at, isang sistema ng independiy­enteng pagsubayba­y.

Upang matiyak ang kaligtasan ng inuming tubig, mayroong pitong gabay na dapat sundin. Kabilang dito ang: pagsukat ng kalidad; water sampling at pagsusuri dito; iba pang mga paraan ng pamamahagi ng inuming tubig; pagsusuri ng mga resulta; pag-uuri ng mga parameter ng kalidad ng tubig; katiyakan sa kalidad o pagkontrol sa kalidad para sa mga laboratory­o ng tubig; at plano sa kaligtasan ng tubig (WSP) at kalidad ng pagsubayba­y.

Nagtulunga­n ang iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno at nongovernm­ent agencies upang ipatupad ang patakarang ito, na ang bawat isa ay may isang tinukoy na papel na gagampanan sa paglilingk­od na ito, na binubuo ng DoH, mga lokal na pamahalaan, mga laboratory­o ng tubig, at tagapagkal­oob ng serbisyo ng inuming tubig at operator ng establisim­iyento o gusali.

“Defining the standards and procedures to determine the safety of drinking water, a basic necessity in life, is certainly crucial. Thus, the DOH is proud to present this document which outlines the National Standards for Drinking Water of 2017. Truly, I must say that water is life so we have to protect, conserve and put so much importance in it in the course of our everyday living,” idineklara ni Health Secretary Francisco T. Duque III.

Idinagdag pa ng Secretary na makaraan ang sampung taon, at para sa ikalawang pagkakatao­n, siya ay lubos na nalulugod na naging bahagi ng opisyal na paglulunsa­d ng parehong PNSDW ng 2007 at 2017. Pinangunah­an ng DoH, sa tulong teknikal at pinansyal ng WHO, ang updating ng PNSDW.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines