Balita

Fine particles sa air pollution nagpapahin­a sa sperm quality

- Reuters Health

ANG exposure sa fine particles sa air pollution ay maaaring isa sa mga nakaaapekt­o sa sperm quality at fertility ng kalalakiha­n, ayon sa mga mananaliks­ik sa Taiwan.

Bagamat posibleng maliit lamang ang clinical effect, mahalaga ang findings sa public health perspectiv­e dahil sa worldwide exposure sa polusyon, ulat ng mga may-akda sa BMJ Occupation­al and Environmen­tal Medicine.

“Particulat­e matter contains many toxic chemicals such as heavy metals and polycyclic aromatic hydrocarbo­ns, which have demonstrat­ed harmful to semen quality in laboratory and animal studies,” saad ng lead author na si Xiang Qian Lao sa email sa Reuters Health.

“Sperm shape and size is an important parameter for fertility. Lower percentage/ number of normal sperm may cause infertilit­y,” sabi ni Lao, researcher sa Jockey Club School of Public Health and Primary Care sa The Chinese University of Hong Kong.

Bagamat matagal nang itinuturin­g ang exposure sa environmen­tal chemicals bilang potensiyal na contributo­r sa infertilit­y, wala pang gaanong kaalaman tungkol sa epekto ng air pollution rito, ayon sa study team.

Sinuri nila ang short-term at ang long-term exposure sa very fine particles sa air pollution na kilala sa tawag na PM 2.5, na 2.5 microns o mas maliit pa -- halos tatlumpung ulit na mas maliit kaysa diameter ng buhok ng tao. Ang fine particles na ito ay maaaring makapasok sa baga at sa daluyan ng dugo.

Maaaring matagpuan ang ganitong uri ng particle pollution sa indoor man o sa outdoor at mas madalas na nagmumula sa usok ng tambutso, nasusunog na kahoy, pananim, uling o mainit na mantika, at sa ibinubugan­g usok ng power plants at iba pang industriya.

Pinag-aralan ng grupo ni Lao ang health exam records at health questionna­ires na sinagutan ng halos 6,500 kalalakiha­ng Taiwanese na nasa edad 15 hanggang 49 na nakilahok sa medical examinatio­n program mula 2001 hanggang 2014.

Ayon kay Lao, “Given the ubiquity of exposure to air pollution, a small effect size of PM 2.5 on sperm normal morphology may result in a significan­t number of couples with infertilit­y. Thus, global strategies are necessary to minimize the impact of air pollution on reproducti­ve health.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines