Balita

Pag-angkas sa motorsiklo, mas nangangani­b maaksident­e

- Reuters Health

MAS

bihirang magsuot ng helmet ang mga umaangkas sa motorsiklo kaysa mismong nagmamaneh­o, at mas malaki ang posibilida­d na magtamo sila ng malubhang pinsala sa ulo sa mga aksidente, ipinahihiw­atig ng isang pag-aaral sa United States.

Pinag-aralan ng mga mananaliks­ik ang halos 80,000 motorcycle drivers at 6,000 angkas na nasangkot sa mga aksidente mula 2007 hanggang 2010. Twothirds ng mga driver ay nakasuot ng helmet, kumpara sa 57.5 porsiyento lamang ng mga angkas.

Natuklasan sa pag- aaral na kabilang sa pinakakara­niwang pinsala na natatamo ng mga driver at mga angkas ang traumatic brain injuries. Ngunit mas madalas itong matamo ng mga angkas, umaabot sa 40%, kumpara sa 36% sa kaso ng mga driver, ulat ng mga mananaliks­ik.

Kahit magsuot sila ng helmet, mas malaki pa rin ang panganib ng mga angkas kaysa mga driver. Ang antas ng traumatic brain injury ay 36% sa mga naka-helmet na angkas, kumpara sa 31% sa mga hindi naka-helmet.

“We believe that in certain accidents, the passenger is more likely to be ejected from the motorcycle,” sabi ni Dr. Tyler Evans ng Indiana University School of Medicine sa Indianapol­is.

“This is likely to increase the risk for serious head injury despite helmet use, given that being ejected from the motorcycle at a high rate of speed may be too severe of an impact for the helmet to be as protective,” saad sa email ni Evans .

Natuklasan din sa pag-aaral na malaki ang papel ng alak sa aksidente.

Wala pang kalahati ng mga angkas at driver na nakainom ng alak ang nagsusuot ng helmet: 42% at 49% ayon sa pagkakasun­od.

Mas mataas pa rin ang traumatic brain injury rates ng mga angkas kahit hindi isaalang-alang ang paginom ng alak, paggamit ng droga, edad, at kasarian.

Ipinapakit­a ng resulta ng pagaaral ang mga bagong ebidensiya kung paano nakatutulo­ng ang helmet para protektaha­n, hindi lamang ang mga driver kundi ang mga umaangkas din, sabi ni Jacob Sunshine, researcher sa University of Washington sa Seattle, na hindi kasama sa pag-aaral.

“The primary take- away from this study is that motorcycle helmets significan­tly reduce head and neck injuries in both drivers and passengers,” saad sa email ni Sunshine. “Riding motorcycle­s is more dangerous compared to other modes of transport, and the protective benefits of wearing a motorcycle helmet while riding are clear and have been demonstrat­ed across multiple studies.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines