Balita

Derek at Austin, magamang proud sa isa’t isa

- –Reggee Bonoan

MASAYANG dumating sa press preview ng All of You si Derek Ramsay kasama ang girlfriend na si Joanne Villablanc­a at anak na si Austin na sinalubong niya sa airport galing Dubai.

Biniro namin sa aktor na carbon copy niya ang anak.

“He looks like me when I was his age, ganyan ako kapayat no’n,” masayang ganti ng aktor at saka namin napansin na kulot ang buhok ng bagets.

“Sa akin din, kulot ako, kaya nga hindi ako nagpapahab­a ng buhok,” natawang banggit ng aktor.

Buong akala ni Derek ay hindi makakabali­k ng Pilipinas ang anak na inakala nilang paso na ang passport.

“His passport is gonna expire ‘til August next year, so puwede pa siyang umalis and they were able to schedule an appointmen­t for his renewal sa Dubai na kasi dito ang haba ng pila, ayokong sumingit. Austin will be here ‘til January 7,” masayang kuwento ng aktor.

Madaling araw nitong Miyerkules, lumipad patungong Bukidnon ( Malaybalay at Valencia) si Derek kasama ang anak para sa opening ng Dunkin’ Donuts na siya ang endorser.

“Akala ko nga hindi ko ulit makakasama ngayon kasi nga last year wala, eh, biglang siya pa ang nag-text sa akin at sinabing, ‘Am I gonna spend Christmas with you?’ Sabi ko, ‘Yes, of course’.”

Nahihilig din sa sports ang unico hijo ni Derek.

“Gusto niyang mag-golf ngayon, naglalaro siya ng basketball, naglalaro siya ng football, pero ang kakaiba sa amin ang hilig niya sa computer kaya gusto kong tigilan.” Type rin ba ni Austin ang frisbee? “Hindi pa niya napapasuka­n ang frisbee,” sabay baling sa anak. “’Do you wanna play frisbee or basketball?” “Anything” ang sagot ng bagets. “Ganyan ‘yan kapag kausap mo, adult na adult na, hindi pa marunong magtagalog kaya tuturuan ko.”

Excited ding si Derek na mapanood ang All of You dahil, “Ang daming compliment­s na ng pelikulang ito, ang daming nagko-congratula­te sa team, sa akin, so I really, really want to see kung ano ‘yung napanood ng mga nakakita.” Okay lang bang ipapanood sa anak ang All of You na sangkaterb­a ang bed at kissing scenes nila ni Jennylyn Mercado?

“Ano naman ito, R-13 and I ask him na, ‘Do you wanna watch my movie?’ Sabi niya, ‘I wanna watch Star Wars and I wanna watch your movie’. Nu’ng last time he was here in 2015, ‘ yung entry namin was All You Need is Pag-ibig ni Kris Aquino, on Christmas day, we all went with the family and watch. Nakakatuwa nga siya kasi ‘yung fans na nagpapa-picture sa akin, sabi niya, ‘That’s my dad!’” proud din namang kuwento ng ama.

Maayos ang samahan nina Austin at ng girlfriend ni Derek.

“Na- meet na rin niya ‘ yung daughter ni Joanna, magkakasam­a kami mamayang gabi kaya masaya ito. She’s (Sofie, daughter) ten na at matangkad, sing-tangkad mo (kami). Tito ang tawag sa akin or makulit or buwisit kasi lagi ko siyang kinukulit.

“It’s a great relationsh­ip with Sofie kasi nangkukuli­tan kami kapag natutulog ako at nasa bahay siya ng umaga pupunta ‘yun sa kuwarto ko at mangunguli­t na.”

Ano ang regalo ni Derek kay Austin ngayong Pasko?

“Mahilig siya sa laptop kaya binigyan ko siya nu’ng Alienware na sobrang hi- tech na laptop, pang gaming at bitbit-bitbit nga niya kanina sa eroplano. Parang anak niya na ayaw bitawan, it’s bigger than him, it’s so big. I said, ‘Do you want a MacBook Pro?’ Sabi niya, ‘No, I want this one’. Hindi ko nga alam kung ano ‘tong Alienware na ito, pagtingin ko, ang mahal.”

Sa Maynila magdiriwan­g ng Pasko ang pamilya ni Derek dahil dadalo siya sa MMFF Parade at pagkatapos ng awards night ay saka sila pupunta sa resthouse ng aktor sa Palawan at doon sila mananatili hanggang Bagong Taon.

 ??  ?? Derek at Austin
Derek at Austin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines