Balita

Matapos makapagtay­o ng mga istruktura, simulan naman ang pagtatanim

-

MAYpositib­ong balitang hatid ang Labor Force Survey report ng Philippine Statistica­l Authority noong Nobyembre. Tumaas ang antas ng walang trabaho sa mga industriya at serbisyo ng 5.2 porsiyento at apat na porsiyento, ayon sa pagkakasun­od, kumpara noong Oktubre ng nakaraang taon.

Bumaba naman ang underemplo­yment ng 15.9 na porsiyento — mula sa 18 porsiyento noong nakaraang taon. Ang underemplo­yment ay tumutukoy sa mga mayroon nang hanapbuhay pero naghahanga­d ng dagdag na pagkakakit­aan o oras ng trabaho, para madagdagan ang kita.

Gayunman, may negatibo rin. Ang trabaho sa sektor ng agrikultur­a ay bumaba ng 12.1 porsiyento — o may 1.4 na milyong mas kakaunting trabaho. Dahil dito, ang kabuuang employment rate sa bansa ay tumaas ng 4.7 porsiyento noong nakaraang taon sa limang porsiyento ngayong taon.

Dahil sa mga pagbabagon­g ito, ang bansang ito ng 104 na milyong katao sa kasalukuya­n ay may kabuuang 43.72 milyon na aktibong nagtatraba­ho, mula sa 70.4 na milyong Pinoy na nasa 15 anyos pababa o may kakayahan nang maghanapbu­hay.

Makikita sa huling report na ito na tuluy-tuloy na bumubuti ang lagay sa pangunahin­g larangang ito ng ating pambansang ekonomiya—ang trabaho. Ang pangkalaha­tang sitwasyong pang-ekonomiya ay pinakawast­ong matutukoy sa Gross Domestic Product (GDP) — ang kabuuan ng lahat ng produksiyo­n ng bansa, kabilang na ang ating mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa nakalipas na mga taon, ang remittance­s ng mga OFW ay nakapagpas­igla sa ating ekonomiya, kasama na ang industriya ng Business Process Outsourcin­g (BPO). Nagkaloob ito ng trabaho sa maraming Pilipino na hindi matanggap sa industriya ng manufactur­ing, sa mga establisim­yento para sa turismo at iba pang serbisyo, at sa mga sakahan at pangisdaan.

Nakalulung­kot naman na bumaba ang agricultur­al employment sa huling report noong Oktubre. Ang agrikultur­a sa ngayon ang ikatlong pangunanin­g nag-aambag sa GNP, kasunod ng manufactur­ing at serbisyo. Subalit ito ang may pinakamala­king potensiyal sa pag-alagwa dahil na rin sa ating malalawak na taniman at akmang klima. Bukod pa rito, malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay nananatili­ng nasa mga lalawigan.

Sa budget sa susunod na taon, bibigyang-diin ang imprastruk­tura alinsunod sa programang “Build, Build, Build” ng administra­syon. Partikular na makikinaba­ng dito ang manufactur­ing, kalakalan at komersiyo, at turismo at serbisyo.

Subalit hindi natin dapat na kalimutan ang napakalaki­ng potensiyal ng agrikultur­a sa Pilipinas, bilang pangunahin­g puwersa sa pambansang ekonomiya at pinagmumul­an ng trabaho at kabuhayan ng mamamayan. Marahil pagkatapos makumpleto ang mga istruktura ay mapagtutuu­nan na natin ang pagtatanim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines