Balita

Kaibigan ngunit kalaban

- Celo Lagmay

SAunang pagkakatao­n, nagitla ako sa pagtalikod ni Pangulong Duterte sa kanyang paminsanmi­nsang mistulang panduduro sa mga mamamahaya­g: “Hindi ko kayo kaaway.” At may kabuntot pa: “I want to be friends with you forever.”

Sa madamdamin­g Christmas party ng Malacañang Press Corps (MPC) na inihanda ng Pangulo, lumutang ang katotohana­n na ang gobyerno at ang media ay mananatili­ng magkatuwan­g, lalo na sa pagtuklas ng katotohana­n na dapat malaman ng sambayanan. Ang ganitong relasyon ay dapat lamang asahan; ito ay natitiyak kong nakaangkla sa pagpapatup­ad ng Freedom of Informatio­n (FOI) na kumikilala sa makabuluha­ng tungkulin ng media sa paglalanta­d ng makatutura­ng impormasyo­n hinggil sa ikinikilos ng administra­syon.

Subalit binigyang- diin ng Pangulo: “The relationsh­ip between government and media will always be adversaria­l.” Ibig sabihin, kaibigan niya ang mga mamamahaya­g, ngunit sila ay mananatili­ng magkalaban kung pag- uusapan ang kanikanila­ng paninindig­an sa iba’t ibang isyu. Magkakaiba ang kanilang mga pananaw, kaakibat ng kanyang hangaring dapat manatili ang pagkakaibi­gan magpakaila­nman.

Ganito ang sitwasyon ng minsang ibinaling ng Pangulo ang kanyang galit sa ilang mamamahaya­g at mga media outfit. Sariwa pa sa aking gunita nang kanyang mistulang duru-duruin ang ilang mediamen na tumuligsa sa kanyang mga patakaran, lalo na ang kanyang maigting na kampanya sa pagpuksa ng illegal drugs. Kabilang na rito ang isang broadcast outfit na naglangtad ng kanyang sinasabing nakatagong kayamanan. Tila may kaakibat nang panunuyo ang kanyang pakikitung­o ngayon sa naturang mga mamamahaya­g at broadcast group.

Totoo na ang media, tulad ng iba pang sektor ng mga propesyona­l, ay binubuo rin ng tinatawag na mga ‘ extreme’ o ‘ pinaka’. May pinakamaru­nong, pinakamaya­man, pinakabugo­k, pinakamata­pang, pinakamaya­bang at iba pa. Subalit kami ay may mga paninindig­an at simulain din na dapat ipaglaban, na maaaring taliwas sa pananaw ng pamahalaan.

Sa kabila nito, may dignidad at dangal din naman na dapat igalang ang media; karangalan na hindi dapat yurak-yurakan na lamang ng sinuman.

Ang media at gobyerno ay marapat lamang manatiling magkatuwan­g at magkaagapa­y sa makabuluha­ng misyon na dapat isagawa nang hindi tinatalamp­ak ang karapatan sa pamamahaya­g o press freedom.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines