Balita

Maagang paghahanda sa FIBA World

-

KABILANG sa plano ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magbuo ng delegasyon para magmasid sa ginagawang paghahanda ng China sa hosting ng 2019 Fiba World Cup.

Kabilang ang Pilipinas sa tatlong bansa na pinagkaloo­ban ng karapatan ng FIBA na mag-host sa 2023 edition.

“We also want to form a team to learn what’s happening in China (World Cup),” pahayag ni SBP president Al Panlilio nitong Huwebes sa ginawang Thansgivin­g ng basketball governing body.

“We want send a team there to learn from the good things and mistakes they’re doing that we can apply to us here.”

Huling nag-host ang bansa ng FIBA world event noong 1978.

“We celebrated a little bit after winning the bid but the first thing that we had in mind was work has to start right away,” pahayag ni Panlilio.

Iginiit ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan na bukod sa malaking halagang kailangan itustos sa hosting, kailangang maisaayos ang iba pang mga aspeto sa paghahanda.

Aniya, 16 sa kabuuang 32 bansang kalahok ay maglalaro sa Pilipinas.

“This is no small work,” sambit ni Pangilinan.

Iginiit din ni Pangilinan ang pangangail­agan sa suporta ng pamahalaan na tinugunan naman ni Foreign Affaiars Secretary Peter Cayetano.

“This administra­tion, and the next, will honor because it’s for the country naman,” sambit ni Cayetano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines