Balita

3 NATUSTA SA CHRISTMAS PARTY

DAHIL SA SHORT CIRCUIT O SA YOSI?

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nauwi sa pagluluksa ang masayang Christmas Party ng mga empleyado ng isang printing shop, nang masunog ang pinagtatra­bahuhan nilang gusali at masawi ang tatlong trabahador nito sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Benjie Solis, 28, na isa umanong person with disability (PWD); at Ronald Obiedo, 50, na kapwa halos hindi na makilala dahil sa tindi ng sunog sa katawan.

Samantala, naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Joel Eva, 50, ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Sa ulat ni SFO3 Sonny Sonny Lacuban, ng Manila Fire Department, sumiklab ang apoy sa Lumandas Printing Press, na pagmamay-ari ni Renato Galicia Lumandas, na matatagpua­n sa Claro M. Recto Avenue, kanto ng Morayta Street sa Quiapo, dakong 4:30 ng madaling araw.

Ayon kay Lumandas, nagdiwang sila ng Christmas party kamakalawa ng hapon at inabot ng hatinggabi dahil sa inuman at kantahan ng mga trabahador.

Nakatulog pa umano si Lumandas sa printing shop at nang magising, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa, ay saka lamang umuwi sa kanyang bahay na ‘di kalayuan sa lugar habang naiwan pa ang ilang trabahador, na kinabibila­ngan ng mga biktima, at ipinagpatu­loy ang inuman at kantahan.

Nagulat na lang umano si Lumandas nang mabalitaan­g nasusunog na ang printing shop at na-trap sa loob ang mga biktima.

Ayon sa awtoridad, posibleng hindi agad nagising ang mga biktima dahil sa kalasingan kaya hindi na nakalabas mula sa nasusunog na gusali.

Inaalam na rin ng mga imbestigad­or kung posibleng nagmula ang apoy sa nag-short circuit na videoke machine, na ginamit ng mga biktima sa kantahan, o kaya ay mula sa upos ng sigarilyo ng ilang empleyado na naninigari­lyo sa loob ng printing shop.

Dakong 5: 10 ng madaling araw na nang maapula ang apoy, umabot sa unang alarma, at dito na nadiskubre ang mga bangkay ng mga biktima.

Aabot sa P50,000 ang halaga ng ari-ariang natupok.

 ?? CZAR DANCEL ?? MALAGIM NA CHRISTMAS PARTY Napapating­in ang mga taong dumaraan sa nasunog na printing shop sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila, kahapon. Tatlo ang namatay sa insidente na pawang trabahador sa shop.
CZAR DANCEL MALAGIM NA CHRISTMAS PARTY Napapating­in ang mga taong dumaraan sa nasunog na printing shop sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila, kahapon. Tatlo ang namatay sa insidente na pawang trabahador sa shop.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines