Balita

Gawin ang mga pangunahin­g estratehiy­a sa pagpuksa ng lamok

-

NANAWAGAN sa publiko ang Philippine Society for Microbiolo­gy and Infectious Diseases (PSMID), sa harap ng kontrobers­iya sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia, na ibalik ang mga pangunahin­g estratehiy­a kung paano maiiwasan ang mga sakit na galing sa lamok.

“With all these issues, let us not forget the measures we do—surveillan­ce, vector control, early consultati­on,” lahad ni PSMID Board Member, Dr. Fatima Gimenez, sa health forum sa Quezon City nitong Martes.

Tinutukoy ni Gimenez ang mga estratehiy­ang isinusulon­g ng Department of Health (DoH)—ang pagtukoy at pagpuksa sa mga lugar na pinamumuga­ran ng lamok, maagang konsultasy­on, pagbibigay ng proteksiyo­n sa sarili, at pagtanggi sa indiscrimi­nate fogging. “Vaccine is just part of it. It is not the only solution to dengue,” aniya. Pinayuhan ni Gimenez ang mga magulang na nababahala dahil sa kanilang mga anak na naturukan ng Dengvaxia na magpakonsu­lta kaagad sa doktor sakaling nagpakita ng sintomas ng sakit ang mga bata.

Batay sa kanyang sariling karanasan bilang isang clinician, aniya, ang huling pagkonsult­a ng medikasyon ay kadalasang nagreresul­ta sa mas mahirap na paggamot sa sakit.

“Early consultati­on saves lives. If you feel any symptom, go to the doctor immediatel­y. You have nothing to lose,” lahad niya, at sinabing ang tsansa ng paggaling mula sa malalang dengue ay mataas, kaya dapat na maagang magpakonsu­lta sa doktor.

Idinagdag pa ni Gimenez ang importansi­ya ng pagpapanat­ili ng malinis nag kapaligira­n na hindi pinamumuga­ran ng lamok, upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok.

Ang paggamit ng insect repellant ay isang siguradong paraan upang maitaboy ang mga lamok, dagdag pa niya.

Nag-isyu ang PSMID ng panawagan kaugnay ng pagkabalis­a ng publiko kasunod ng rebelasyon na hindi inirerekom­enda ang pagtuturok ng Dengvaxia sa mga taong hindi pa nagkasakit ng dengue, dahil mas mapapalala lamang ng bakuna ang posibilida­d ng pagkakaroo­n ng malalang dengue.

Nakarating na ang kontrobers­iya sa Senado, na dinidinig na ng mga kasalukuya­n at dating kalihim ng DoH, kasama ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang lumikha ng Dengvaxia.

“There is no simple solution to preventing dengue. Thus, to have a sustainabl­e dengue control program, appropriat­e clinical management, laboratory surveillan­ce and prevention efforts, such as expansion of disease surveillan­ce to include the communitie­s and the private sector, vector control, and strengthen­ing of epidemic response at all levels should always be emphasized,” sabi ni Gimenez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines