Balita

Pamilya ni Zoren, sa Japan ang pre-Chrismas vacation

- Ni NORA CALDERON

THANKFULin­akala niyang si special Zoren Legaspi guesting na lang ang sa Ika-6 Na Utos hahaba pala. Hindi pa kasi matatapos ang involvemen­t ng character niya bilang si Lyon kay Emma ( Sunshine Dizon). Biyudo si Lyon na na-in love kay Emma.

When asked kung hanggang kailan siya mapapanood sa soap na idinidireh­e ni Laurice Guillen, wala pa raw sinasabi sa kanya.

“Maganda nga, kasi hindi naman ako kontrabida kina Emma at Rome ( Gabby

Concepcion),” sabi ni Zoren. “Kung noong una ay nagagalit ako kay Emma dahil mas inuuna pa niya ang paghahanap niya kay Rome kahit boyfriend na niya ako, ngayong lumiwanag na ang totoo tungkol kay Rome, naging friends pa rin sila ni Emma at handa siyang tumulong kung ano ang kailangan ni Emma para matuklasan na ni Rome ang tunay niyang pagkatao.”

Bukod sa pag-arte ay may business na inaasikaso si Zoren plus ang photo shoots at TV commercial­s shoots ng endorsemen­ts nilang mag-anak.

“Kaya since matatapos na ang taping namin ng

Ika- 6 Na Utos for 2017, nag- decide naman kaming sa Japan pumunta, si

Carmina ( Villaroel) at sina Mavvy at Cassy. Iyon nga lang, hanggang sa December 23 lang kami roon. Babalik kami rito para sa Christmas Day kasama namin ang daddy niya. Matagal na rin naman iyong eight days na naroon kami sa Tokyo. Kaya nandito kami sa Christmas at New Year.”

Napapanood ang Ika-6 Na Utos Lunes hanggang Sabado sa GMA 7 pagkatapos ng Eat Bulaga.

 ??  ?? Casy Zoren Carmina At Mavy
Casy Zoren Carmina At Mavy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines