Balita

Love team nina Arjo at Sue, malakas

- –Reggee Bonoan

NAPA-TRENDING ng mga tagahanga nina Arjo Atayde at Sue Ramirez ang kissing scene nila sa seryeng Hanggang Saan nitong Lunes. Nakakatuwa­ng subaybayan ang thread ng PaNa (Paco-Anna love team) na andaming kinikilig habang nanonood ng Hanggang Saan.

Bukod sa PaNa ay may tumawag din sa kanila ng ArSue love team.

“Kahit ‘di ako nakapanood sa TV pero ‘ yung puso ko, sabog na sabog! Si Arjo ba unang naka-kissing scene ni Sue sa na leading man? Sobrang kilig,” sabi ni @ jazzie_tagud.

“Masaya ako na si Arjo ang kapartner ni Sue sa show na ‘to. Pareho silang mahusay sa pag-arte. Mabubuti pa ang kanilang puso,” papuri naman ni @marydangui­lan.

Ayon sa Twitter user na si @Raz_Elle, “Mabuti at nakukuha na nina Arjo at Sue ang kanilang well-deserved breaks. Matagal ko nang hinihintay mag-shine si Sue at alam naman natin kung gaano kahusay si Arjo.”

Mukhang napabilis nga ang relasyon nina Paco (Arjo) at Ana (Sue) dahil gayong nagpasama lang na mamimili sa Binondo ang dalaga para sa kaarawan ng inang si Jean ( Teresa Loyzaga), pag-uwi ay ‘sila na’ dahil nga sa kissing scene na ‘yan.

Boto naman ang nanay at kapatid ni Paco (Arjo) na sina Sonya ( Sylvia Sanchez) at Domeng ( Yves Flores) kay Anna (Sue) at kaibigang si Samboy ( Nikko Natividad), nanay nitong si Cora ( Viveika Ravanes) at yayang si Letty ( Ces Quesada). Pero tutol ang stepdad ng dalaga na si Jacob ( Ariel Rivera).

Ang namumuong relasyon nina Paco ( Arjo) at Anna ( Sue) ang magiging daan para malaman kung sino ang pumatay sa tatay ng dalaga na si Edward Lamoste ( Eric Quizon).

Nagpapasal­amat si Arjo na finally ay bida siya at hindi na third wheel.

“Matagal ko nang gustong makasama si Sue. Naniniwala ako sa pagtatraba­ho kasama ang mga taong alam kong may matututuna­n ako, at gan’un si Sue,” sabi ng binata.

“Kahit before po sa interviews ko, sinasabi ko talaga na gusto ko makatrabah­o si Arjo,” sey naman ng dalaga. “Thankful ako to GMO ( Ginny Monteagudo Ocampo) unit for giving me the chance na makasama siya sa show.”

Kaabang- abang ang kahihinatn­an ng relasyon ng characters nila lalo na kapag nalaman nila ang sekreto ni Sonya. Napapanood ang serye nila tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABSCBN.

 ??  ?? Arjo at Sue
Arjo at Sue

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines