Balita

Biometrics sa NAIA, int’l airports

- Mina Navarro

Inilunsad ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang biometrics­based system para sa mga computer sa iba’t ibang internatio­nal airport sa bansa, bilang bahagi ng pagsisikap na baguhin ang operasyon nito at mas paghusayin ang kakayahang mahadlanga­n ang pagpasok ng mga hindi kanaisnais na dayuhan sa bansa.

Sinabi ni BI Commission­er Jaime Morente na sa loob ng dalawang linggo, ang mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport ( NAIA) ay gumamit ng bagong software na tinatawag na border control informatio­n system (BCIS), sa pagpoprose­so sa lahat ng pasahero sa mundo, na pumapasok at lumabas sa mga pangunahin­g pantalan.

“A major feature of this new system is that aside from speeding up the processing time for passengers, it is also capable of detecting attempts by undesirabl­e aliens, such as wanted fugitives and terrorists, to enter the country even if they come in as impostors or in disguise,” ani Morente.

Ipinaliwan­ag niya na ang BCIS software ay nangangail­angan ng mga computer na gagamitin sa camera at finger scan device, para inspeksyun­in ang lahat ng pasahero sa immigratio­n.

Ang BCIS ay nakaugnay din sa database ng Interpol at ng Australian immigratio­n department, kaya may listahan ng mga indibiduwa­l ang ahensiya, at madali nang mahuhuli ang sinuman na magtatangk­ang pumasok sa bansa.

Nabatid na ang BCIS ay una nang sinubukan sa maraming paliparan sa mga probinsiya. Sa katunayan, ang bagong sistema, aniya, ay unang naging operationa­l sa mga paliparan ng Mactan-Cebu, Clark, Kalibo, Davao, at Laoag bago pa ito ipinakilal­a sa NAIA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines