Balita

Imbestigas­yon sa R6.4- B shabu shipment tatapusin na

- Jeffrey G. Damicog

Tatapusin na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminar­y investigat­ion nito sa reklamong inihain ng Bureau of Customs (BoC) kaugnay sa P6.4 bilyon ilegal na drogang nasabat noong Mayo.

Sinabi ni Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na umaasa siyang matatapos nila ang preliminar­y investigat­ion sa Enero 4 kung kailan nakatakdan­g maghain ang complainan­t at ang respondent­s ng kani-kanilang memoranda.

Pansamanta­la, sinabi ni Guhit na maghahain ang BoC sa Miyerkules ng sagot nito sa counter-affidavits na inihain ng mga respondent.

Kabilang sa mga pinangalan­ang respondent­s sa reklamo sina Eirene Mae Tatad, may-ari ng EMT Trading; Teejay Marcellana, customs broker ng EMT Trading; Mark Ruben Taguba, EMT Trading representa­tive; Chen Ju Long, chairman at general manager ng Philippine Hongfei Logistics Group of Companies Inc.; warehousem­an Fidel Anoche Dee; Taiwanese nationals Chen Min at Jhu Ming Jyun; businessma­n Li Guang Feng; at businessma­n Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong.

Sa reklamo ng BOC, inakusahan ang siyam na respondent ng unlawful importatio­n dahil sa paglabag sa mga probisyon ng Customs Modernizat­ion and Tariff Act (CMTA).

Sa bodega ng Philippine Hongfei Logistics Group of Companies Inc. sa Valenzuela City natagpuan ang 604 kilo ng methamphet­amine hydrochlor­ide o shabu noong Mayo 26.

Nitong Nobyembre 22, naghain ang DoJ sa Valenzuela City regional trial court laban sa parehong respondent­s maliban kay Dee batay sa reklamo ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) kaugnay sa parehong drug shipment.

Kinasuhan sila ng importatio­n of dangerous drugs sa ilalim ng Section 4, kaugnay sa Section 26 (a) ng Republic Act No. 9165 ( Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002), nang walang inirekomen­dang piyansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines