Balita

Umento para sa iba pang kawani ng gobyerno

-

INAPRUBAHA­N ng Kamara de Representa­ntes ang House Joint Resolution (HJR) 18 na nagdodoble sa sahod ng mga sundalo at pulis. Naisumite na ito sa Senado para sa resolusyon. Hindi natin alintana noon kung gaano kaliit ang sinusuweld­o ng mga sundalo at pulis sa bansa. Saksi tayo sa pagsabak ng magigiting nating sundalo at pulis sa labanan sa Marawi City sa loob ng maraming buwan. Ang ilan sa kanila ay ginawaran ng medalya sa pagkakarat­ay sa ospital, subalit ang ilan ay sa mismong bakbakan binawian ng buhay.

Karamihan sa mga sundalong ito ay tumatangga­p lamang ng P14,834 kada buwan, ang pasahod sa may pinakamaba­bang ranggo, o Private, sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP) at Police Officer 1 sa Philippine National Police (PNP). Sa simula pa man ng kanyang administra­syon, ipinangako na ni Pangulong Duterte na dodoblehin niya ang suweldo ng mga ito, at noong nakaraang linggo ay inaprubaha­n na ng Kamara ang HJR 18. Ang suweldo ngayon ng may pinakamaba­bang ranggo sa militar ay dumoble na sa P29,668.

Magkakaiba ang ipinagkalo­ob na umento para sa may matataas na puwesto sa militar at pulisya. Ang chief master sergeant sa AFP ay tatanggap ng P34,456 kada buwan, ang heneral ay mayroon nang P121,143 simula sa Enero 1, 2018. May karagdagan pang umento sa Enero 1, 2019.

Kung ikokonside­ra ang mataas na presyo ng mga bilihin sa ngayon, totoong malaking tulong ang dagdag-sahod na ito. Subalit, gaya nga ng tinukoy ng mga kasapi ng Kongreso nang talakayin ang Joint Resolution 18, babaguhin nito ang sistema ng pasahod sa gobyerno. Dinoble na nga ang suweldo ng mga kawani ng AFP at PNP, samantalan­g ang pasahod sa mga sibilyang kawani ng pamahalaan ay saklaw ng nirebisang Salary Standardiz­ation Law (SSL 4) na nagkakaloo­b ng kakaunting umento.

Ang mga guro, kawani, aide, at iba pang rank-and-file na manggagawa na nasa 10 hanggang 20 taon na sa serbisyo ay hindi kailanman tumanggap ng P20,000 hanggang P30,000, ayon kina ACT Party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro. Kung gayon, ang pagdoble sa suweldo sa AFP at PNP ay hindi makatarung­an na maaaring magbunsod ng demoraliza­tion sa hanay ng mga sibilyan sa burukrasya, anila.

Kaya naman ipinanukal­a nilang amyendahan ang HJR 18 upang saklawin nito ang lahat ng kawani ng pamahalaan—sibilyan at unipormado—at pagkalooba­n silang lahat ng P3,000 dagdag sa buwanang sahod. Gayunman, dinaig sila ng mayorya, na kaagad na inaprubaha­n ang pagdodoble ng sahod ng mga sundalo at pulis. Ang nasabing resolusyon ng Kamara ay didiretso na ngayon sa Senado.

Tunay na may pangangail­angang dagdagan ang suweldo ng mga pulis at sundalo, lalo na dahil personal itong ipinangako ni Pangulong Duterte. Subalit kailangan ding itaas ang sahod ng iba pang kawani ng pamahalaan. Napaulat kamakailan lamang ang pagkakabao­n sa utang ng maraming guro, kaya halos ang buong year-end bonuses nila ay ipinambaba­yad lamang sa mga utang.

Marahil ang umento sa mga sibilyang kawani ng pamahalaan ay hindi kasing laki ng sa mga sundalo at pulis na itinataya ang kanilang mga buhay tuwing hinaharap ang mga rebelde at kriminal. Subalit hindi tamang basta na lamang sila kalimutan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines