Balita

MABUTING BALITA

-

Hkm 13:2-7, 24-25a ● Slm 71 ● Lc 1:5-25

Sa kapanahuna­n ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangal­ang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng batas at kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila.

Minsan, habang naglilingk­od si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat… sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nananalang­in ang buong bayan sa labas, nagpakita sa kanya ang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito.

Ngunit sinabi sa kanya ng anghel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipangangan­ak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangala­nan mo siyang Juan. Magiging ligaya at tuwa mo siya, at marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon. …”

PAGSASADIW­A:

Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita.— May isang napakagand­ang awitin na nagsasabi ng ganito: “In his time, he makes all things beautiful. In his time.” Nagkakaroo­n ng kaganapan ang lahat ng bagay sa panahong itinakda ng Diyos. Pinatunaya­n ito ng Diyos sa kasaysayan. Bagamat hindi naniwala si Zacarias sa balita ng anghel ng Diyos sa kanya, nangyari pa rin ang dapat mangyari, ayon sa sinabi ng anghel.

Nagdalanta­o si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan at pagiging baog. Isinilang ang sanggol na si Juan pagdating ng takdang panahon; at sa tamang panahon ay sinimulan ni Juan ang pagsasakat­uparan sa kanyang misyon na maging tagapangun­a ng ipinangako­ng Tagapaglig­tas na si Jesus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines