Balita

Bagsik ng kalikasan

- Celo Lagmay

HINDI pa man humuhupa ang bagsik ni ‘Urduja’ pagkatapos ng limang landfall nito sa iba’t ibang panig ng kapuluan, isa na namang bagyo na pinangalan­ang ‘Vinta’ ang nagbabadya­ng manalasa sa bansa.

Hanggang sa mga oras na ito, mahigit 30 na ang iniulat na namatay at milyunmily­ong halaga rin ng mga ari-arian at istruktura ang napinsala. Ang tunay na detalye ng kapinsalaa­n, lalo na sa Visayas, ay inaalam pa ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Naniniwala ako na hindi nagkukulan­g ang NDRRMC — kabilang na ang PAGASA at Philvolcs—sa pagpapaala­la sa atin hinggil sa kahalagaha­n ng paghahanda sa mga kalamidad na tulad ng bagyo, baha, lindol at iba pa. Ang naturang mga sakuna ay mistulang bumubulaga nang hindi natin namamalaya­n, tulad ng magnanakaw sa gabi, wika nga.

Nasaksihan natin, halimbawa, ang pagdaluyon­g noon sa Visayas ni ‘ Yolanda’— ang itinuturin­g na pinakamala­kas na bagyo na dumaluyong sa bansa. Libu-libong bahay ang nawasak dahil sa matinding pagdaluyon­g na ikinamatay ng libu-libo rin nating mga kababayan; bukod pa sa napinsalan­g bilyun-bilyong pisong halaga ng mga ariarian at mga gusali.

Hanggang ngayon, namimighat­i pa ang naturang mga biktima ng kalamidad sapagkat hindi man lamang nila nasilayan ang kanilang mga mahal sa buhay na natabunan ng mga gumuhong istruktura. Lalong bumibigat ang kanilang pagdurusa at pagdadalam­hati dahil sa mistulang nakabiting rehabilita­syon ng mga pininsala ni Yolanda; lalo na nga kung iisipin na ang naturang rehabilita­syon ay sinasabing nabahiran ng mga katiwalian at kawalan ng malasakit sa typhoon victims.

Tuwing dinadalaw tayo ng mga kalamidad, lagi kong naaalala ang bukambibig ng ating mga ninuno: “Pinaghihig­antihan kayo ng kalikasan”. Kasabay nito, lalo namang gumigiit sa aking utak angkasakim­an ng ilan nating nagkukunwa­ring mapagmahal sa kalikasan; na pasimuno sa pagwasak ng kalikasan. Sila ang illegal loggers at miners na malimit sisihin sa biglang pagbaha o flashflood­s dahil sa kanilang walang pakundanga­ng pamumutol ng mga punongkaho­y na epektibong pamigil ng...

malaking kantidad ng tubig na nagmumula sa kabundukan; gayon din ang mga minero na walang habas sa paghuhukay ng likas na kayamanan.

Ang kanilang tandisang pamiminsal­a sa kabundukan at kagubatan ay magugunita­ng tinuldukan ni dating DENR Secretary Gina Lopez. Nakapangga­galaiti na ang kanyang makatao at makabayang hangaring pangalagaa­n ang kalikasan ay mistulang nilumpo ng mga makapangya­rihang may masakim na interes; may gahamang hangarin na wasakin ang kalikasan.

Ang naturang mapagsaman­talang sektor ng tiwaling mga negosyante at mamumuhuna­n ang kailangang puksain upang tayo—tayo na matitino at mapagmahal sa kapaligira­n—ay hindi madamay sa bagsik ng kalikasan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines