Balita

Sunshine, ‘di nakipagbal­ikan sa asawa

- Ni JIMIE SCALA

HINDI naman daw porke madalas silang nagkikita at nagsasama ay nagkabalik­an na sila ng asawang si Timothy Tan. Ito ang diretsahan­g pahayag ni Sunshine

Dizon nang makausap namin. Dagdag pa ng bida ng top-rating GMA-7 afternoon seryeng Ika-6 Na

Utos, maging ang malalapit nilang kaibigan ay nagtatanon­g din sa kanya kung totoong nagkabalik­an na sila ng estranged husband niya.

Ayon kay Sunshine, inaayos nila ang samahan nila para para sa mga anak nila. Hindi raw madali para sa kanya na ibalik ang friendship nila ng asawa pero alang-alang ang lahat sa dalawang anak nila.

Ibinalita rin ni Sunshine na nag-advance taping siya sa mga eksena niya sa Ika- 6 Na Utos para makapagbak­asyon sa America. Ang bakasyon na ito ay regalo niya sa kanyang sarili.

“Itong break na ito and recently, I came from Japan, isa rin ‘yon sa mga break ko. Small joys naman ako, makapag-travel lang kahit saglit. Nare-refresh naman ako,” sey ng aktres.

Sa bakasyon sa America simula December 21 ay magkakasam­a sila ng mga anak niya at ng dating asawa. Happy nga raw para sa kanila ang close friends nila.

“Sa totoo lang,eh, weird ang relationsh­ip namin ni Tim from the very beginning pa lang. May relationsh­ip with Tim started as friends so I think we’ve keep that friendship along the way na kahit may pangit na nangyari.

“Nakakapag-usap pa rin kami na hindi kami kailangan magkasakit­an o magkamurah­an. Kaya rin naming ‘yun, so, parang we’ve reached that kind of maturity na okey, this is the situation.

“Kumbaga, hindi ko na kayang ibalik kung paano tayo dati pero kaya kong respetuhin ka bilang ama ng sa bahay, mga anako, na nandito ka inihahatid, sinusundo niya ang mga anak niya from school.

“Siya ang nag-a-assignment sa mga anak niya and that’s actually a very big help on my side kasi I’m working Sorry, pero wala talagang oras minsan. Siya ang nagpupuno ng pagkukulan­g ko sa mga anak ko ngayon especially with my work schedule now and I appreciate that.

“So parang ayoko nang guluhin ‘ yon kasi okey na. Parang I’m just choosing what’s convenient and what is okay at the moment. Mas okey muna ako doon,” paliwanag ng mahusay na aktres.

Tanggap na niya ang mga naganap sa buhay niya ngayon sa palagay niya matured na talaga siya.

“Mas nagtodo ‘yung maturity ko nang mangyari ito. You wake up one day and you realized, you’re alone and you have to survive for your children. You have to make better choices in life. Will I allow the situation to actually burden urden me for a longtime or just let it go right now, do away with whatever you can just to survive? vive? Mas tumibay ako,” sey pa ng anak ni Ms. Dorothy Laforteza.

Samantala, nang tanungin namin si Shine kung ano ang ireregalo niya kay Timothy sa Christmas, bigla siyang natawa.

“Ay, wala! Ako pa nga ang dapat regaluhan niya, ’no!” napahalakh­ak at walang kagatul-gatol na sagot ng aktres.

 ??  ??
 ??  ?? Timothy at Sunshine
Timothy at Sunshine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines