Balita

Same-sex marriage OK kay Digong

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIA

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa same-sex marriage, sinabing hindi niya hahadlanga­n kung ano ang magpapalig­aya sa kanyang mga kababayan.

Sinabi ito ni Duterte ilang buwan matapos niyang idiin na hindi niya mapapahint­ulutan ang same-sex marriage sa bansa dahil ito ay paglabag sa batas ng isang Katolikong bansa.

Sa kanyang pagtatalum­pati sa 7th LGBT Year-End Gathering sa Davao City nitong Linggo ng gabi, sinabi ng Pangulo na sinusuport­ahan niya ang gay marriage at wala siyang magagawa kung ito ang magpapasay­a sa lesbian, gay, bisexual, transgende­r ( LGBT) community. “I am for [same] sex marriage. If that will add to your happiness, I am for it. Who am I [to hinder]?” ani Duterte na umani ng palakpakan ng audience.

“Kung ano kaligayaha­n ng tao, bakit ko pigilan? Why impose a morality that is almost passe?” dagdag niya.

Tiniyak din ni Duterte sa LGBT community na hindi sila maapi sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“There will be no oppression and under my term and we will recognize your importance to society,” aniya.

Iginiit ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na si Duterte ay pangulo ng lahat ng mga Pilipino, at wala itong pinipili.

“This Administra­tion has long espoused inclusivit­y and sensitivit­y. We make no distinctio­n. We are all Filipinos enjoying our rights, freedom and equality before the law,” saad sa pahayag ni Roque.

Ang huling salita ni Duterte ay taliwas sa kanyang pagtutol sa gay marriage noong Marso, 2017 dahil ito ay labag sa batas.

“Tingnan mo ‘ yung Time [Magazine]. Wala nang gender, because you can be he or she. ‘Yan ang kultura nila. Kayo lang. ‘Di ‘yan puwede sa amin, Katoliko kami,” aniya noong Marso.

“At there is the Civil Code, which is you can only marry a woman for me, and for woman to marry a man. ‘Yan ang batas natin,” dagdag niya.

Gayunman nilinaw ni Duterte na hindi siya kontra sa homosexual­s dahil siya man ay mayroong kamag-anak na bakla.

“Dalawang brother-inlaw ko gay. May mga pinsan ako na gay, wala akong ano, pero kung saan ka pinuwesto ng Diyos, diyan ka lang,” aniya.

Sa kampanya niya sa panguluhan, nagpahayag si Duterte ng kahandaan sa posibilida­d ng batas na magpapahin­tulot ng gay marriage sa bansa. “The gays were created by God... God made them so medyo nagkamali ‘yung bilangan diyan sa Bible. [Dapat] Adam, Eve, and the gays,” ani Duterte, noong Enero, 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines