Balita

Derek, patapos na ang kontrata sa TV5

- Ni REGGEE BONOAN

MALAPIT nang ng mag- expire ang kontrata ni Derek Ramsay sa TV5 pero hanggang g ngayon ay wala pa ring linaw kung g kailan eere ang mini- seryeng Amo o na idinirek ni Brillante Mendoza.

Tanda namin ay malaking presscon ang ibinigay ng TV5 sa Amo para pag-usapan ito nang husto dahil nga gawa ito ng premyadong direktor, pero hanggang ngayon ay nganga pa rin.

Tsika ng aming source, timeslot daw ang problema dahil hindi yata alam ng TV5 management kung saan ito ipapasok at kung paano ito ibebenta dahil alam naman ng lahat na PBA at news programs na lang ang pinapanood sa Kapatid Network. Hindi na knows ng televiewer­s na may TV series pa rin sila.

Anyway, sa press preview ng entry ng Quantum Films, MJM Production­s, Globe Studios at Media A sa 2017 Metro Manila Film Festival na All of You, kinulit namin ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong kung babalik na ng ABS-CBN ang alaga niya dahil wala namang napapanood na programa sa TV5 ang aktor. Panay ang iwas sa amin ni Jojie pero hindi pa rin namin tinantanan. “Naku, Reggee saka na kita kukuwentuh­an, ito munang All of You ang pag-usapan natin. Promise, my dear, we’ll let you know soon. Basta for now, itong All of You muna, ha?” sey ni Jojie. Nabanggit din niya na gagawa ng pelikula si Derek sa Star Cinema kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa 2018. Anyway , nakapanghi­hinayang naman kung hindi maipapalab­as ang Amo, e, super proud pa naman si Derek sa seryeng ito dahil buwis- buhay daw silang lahat dito habang sinu- shoot kasi sinuong nila ang masikip na mga eskinita ng Addition Hills, Mandaluyon­g at hindi nila alam kung makakalaba­s pa sila nang buhay. Pero nang mag-cut daw si Direk Dante Mendoza ay nakakakuwe­ntuhan ng aktor ang mga taga-Addition Hills at ang babait naman daw kaya napanatag na ang loob nilang lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines