Balita

11 kalsadang apektado ng ‘Urduja’ ‘di pa madaanan

- Nina MINA NAVARRO at ROMMEL TABBAD May ulat nina Nestor Abrematea, Restituto Cayubit, Jun Fabon, at Roy Mabasa

Iniulat ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) na 11 national road section sa Eastern Visayas at Region 4- B ( Mimaropa) ang nananatili­ng sarado sa trapiko makaraang maapektuha­n ng baha, landslide, road slip, at iba pang pinsalang dulot ng bagyong ‘Urduja’.

Sa ulat ng DPWH-Bureau of Maintenanc­e sa Biliran, apat na kalsada ang isinara ng DPWH: ang Naval- Caibiran Cross Country Road, Naval-Calumpang section dahil sa pagguho ng lupa; BiliranNav­al Road dahil sa nasirang pader; at Naval- Almeria Road dahil sa landslide.

Sarado rin ang Biliran-Naval Circumfere­ntial Road sa pagkasira ng Catmon Bridge at CarayCaray Bridge. Ang magagaang na sasakyan ay maaari namang dumaan sa Biliran Circumfere­ntial Road, Caibiran- Cabucgayan section.

Sa Leyte, limang kalsada ang sarado, kabilang ang Mainit-San Miguel- Santol Road, SantolCara­yray Section- Taghawili Bridge, bunga ng pagbaha; Bagahupi-Babatngon-Sta. CruzBarugo-Carigara Road dahil sa landslide; Jaro-Dagami-BurauenLap­az, bunga ng nasirang spillway; Libungao- Matag- obPalompon Road at Kananga- Tungonan Hot Spring Road, dahil naman sa landslide at cut/drop pavements.

Sa Mimaropa, hindi pa rin madaanan ang Damian Reyes Memorial Road Boac side sa Marinduque, at ang Sibuyan Circumfere­ntial Road, Tinimbawan Bridge, at RCPC detour bridge sa Romblon dahil sa road slip at nasirang tulay.

GASTUSIN SA REHABILITA­SYON Sa ngayon, tinaya sa P543.2 milyon ang inisyal na gastusin ng pinsala sa Regions 5, 8, at 11.

Inihayag din ng DPWH na kukumpunih­in nito ang limang tulay na winasak ng Urduja sa Biliran.

Kasabay nito, nilinaw ni DPWH Secretary Mark Villar na nadadaanan na ang mga kalsada sa buong Samar patungong Tacloban City sa Leyte.

Tinaya naman ng DPWH Fourth Leyte Engineerin­g District Office sa Ormoc City sa P120 milyon ang pinsala ng bagyo sa iba’t ibang imprastruk­tura ng gobyerno sa nasabing distrito.

NASAWI, 46 NA Umaabot naman sa 46 ang nasawi sa Eastern Visayas, ayon sa Police Regional Office (PRO)-8.

Sinabi ni Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, informatio­n officer ng PRO-8, na umabot na sa 46 ang nasawi sa bagyo sa rehiyon, 33 sa mga ito ay natabunan ng lupa, habang 13 ang nalunod sa baha.

BAGYONG ‘VINTA’ Samantala, nagbabala kahapon sa publiko ang Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion ( PAGASA) sa posibilida­d na pumasok sa bansa ang bagyong ‘ Vinta’ ngayong Miyerkules.

Ito ay matapos na matukoy sa taya ng PAGASA na anumang oras mula ngayon ay maaaring pumasok sa Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang bagyo, na huling namataan sa labas ng bansa sa layong 1,710 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, kapag tuluyang pumasok sa PAR ang bagyo ay tatahakin nito ang mga lugar na binayo ng Urduja, na napaulat na nakalabas na sa Pilipinas kahapon.

Kaugnay nito, ipinag- utos kahapon ng Malacañang ang agarang pamamahagi sa 25,000 food pack sa mga sinalanta ng Urduja sa Biliran, at ang mabilisang pagkukumpu­ni sa mga nasirang tulay sa lalawigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines