Balita

3 kulong sa pagmumura sa enforcer, parak

- Orly L. Barcala

Sa selda na magdiriwan­g ng Pasko ang tatlong lalaki na inaresto sa pagmumura sa mga pulis at traffic enforcer na nanita sa kanila sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kasong driving without license, driving under influence of liquor, direct assault, resistance and disobedien­ce, threat at unjust vexation ang isinampa laban kina Edward Osma, 30, ng No. 14 Salt Street, Karuhatan; Ramito Curib, 40, ng No. 92 Agnes St., Quezon City; at Henbrex Pabor, 28, ng No. 58 Dulap Compound, Karuhatan.

Sa report ni PO2 Jeff Bautista, nagmamanti­ne ng traffic situation si Speedy Jaylo, 28, sa panulukan ng Maysan Road at M. Antonio St., Barangay Maysan, bandang 4:00 ng hapon.

Nakatangga­p ng tawag sa radyo na may tatlong lalaki na magkakaang­kas sa motorsiklo at gegewang-gewang ang takbo, hinarang ni Jaylo ang motorsiklo ng mga suspek na minamaneho ni Pabor.

“Hiningi ko ‘yung driver’s license ni Pabor, pero wala siyang maipakita kaya tinekitan ko,” ani Jaylo.

Dahil dito, nagalit umano ang suspek at sinabing, “P****g*na mo, gusto (mo) suntukan na lang tayo?”

Hindi ito pinansin ni Jaylo at sumakay ito sa kanyang motorsiklo dala ang lisensiya ni Pabor.

Lalong nagalit si Pabor gayundin ang mga suspek kaya hinarangan nito ang motorsiklo ng enforcer at sinabing, “P****g*na mo, ayaw mo talaga kaming pauwiin?”

Dumating ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 10, ngunit sila naman ang sinigawan ng, “P****g*na n’yong mga pulis kayo, bakit kayo nakikialam? Mga gago pala kayo, eh!”

Hindi na nagpatumpi­k-tumpik ang mga pulis at dinala sa presinto ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines