Balita

Australian patay sa lumubog na yate

- Roel N. Catoto

SURIGAO CITY – Patay ang isang 73-anyos na tripulante­ng Australian makaraan ang anim na araw na pagpapalut­ang-lutang sa karagatan ng Siargao Island sa pagtatangk­a niya, kasama ang dalawa pang kaibigan at kababayan, na maglayag mula sa Australia hanggang Subic Bay sa Zambales, subalit lumubog ang kanilang yate, ayon sa pulisya.

Ayon sa mga report, palutang-lutang ang tatlong Australian may 50 milya sa baybayin ng Siargao nang mamataan sila ng tatlong lokal na mangingisd­a bandang 10:00 ng umaga nitong Linggo. Nang mga panahong iyon ay wala na umanong malay si Anthony John Mahoney, 73, ng Queensland.

Sinabi ng pulisya na kasalukuya­n nang nagpapagal­ing sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City sina Lawrence Alered Mallea, 68, taga-Queensland din; at Lionec Peter Ansselin, 74, na naniniraha­n sa Barangay Baccuit Sur sa Bauang, La Union.

Ayon kay PO3 Evelyn Tidula, ng Tandag City Police, nakita nina Jonnifer Piosang at Albert Murillo ang tatlong Australian habang nangunguny­apit sa life buoy at kumakaway habang pabalik na ang mga mangingisd­a sa Tandag.

Iniligtas nina Piosang at Murillo ang tatlong dayuhan at dinala sa ospital sa Tandag.

“The victims who were floating in the waters for six days kept holding on to their life buoy,” sinabi ni Tidula sa media sa isang panayam sa telepono nitong Lunes ng hapon. “Unfortunat­ely, Anthony John Mahoney did not make it as he was unconsciou­s at the time they were rescued.”

Sinabi ni Tidula na naglalayag ang mga Australian mula sa Australia patungong Subic Bay sakay sa yate nang lumubog ito matapos magkabutas ang ibabang bahagi ng sasakyan.

“Based on the post- mortem examinatio­n, Mahoney died of severe dehydratio­n,” sabi ni Tidula, at idinagdag na maayos na ngayon ang lagay nina Mallea at Ansselin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines