Balita

Inaasahan ang mas malaking kita ng mahihirap na manggagawa

- PNA

ANG ibinabang personal income tax at mas malaking take home pay para sa 99 na porsiyento sa 7.5 milyong indibiduwa­l na taxpayer sa bansa ang pangunahin­g tagumpay ng inaprubaha­ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Albay Rep. Joey Salceda, isa sa mga pangunahin­g awtor ng panukala sa Kamara, na ang bersiyon ng TRAIN ay kakalap ng P140 bilyon at may dagdag pang P36 bilyon income transfer, na kapag pinagsama ay aabot sa P176 bilyon kada taon.

Binubuo nito ang nag-iisang pinakamala­king kita at wealth structural transfer para sa low- at middle-income class sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang panukalang ito, na ipinasa sa Kamara noong Mayo, ay magpapabag­o sa paglago ng ekonomiya ng bansa at globalisas­yon, ayon sa Salceda, kilalang ekonomista.

Inaasahang bubuwagin nito ang agwat sa hindi pagkakapan­tay-pantay at malaking agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. Inamyendah­an nito ang dekada nang tax schedule para sa personal na kita, na isa sa pinakamata­as sa ASEAN.

Ang makamahira­p na disenyo ng panukala ay nakatangga­p ng suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor, gayundin sa mga civil society group at mga non-government organizati­on, kaya naunawaan at tinanggap ito na maging batas, aniya.

Makaraan ang anim na buwang deliberasy­on, isinapinal na ng Senate-House bicameral conference committee ang mga pagkakaiba sa mga panukala mula sa magkabilan­g panig.

Napatunaya­ng kailangan ng agarang aksiyon ni Duterte, idinisenyo ang tax package upang papag-ibayuhin ang pamumuhay ng mga Pilipino at bumuo ng matatag na ekonomiya para sa bansa.

Sa pinal na bersiyon nito, nakasaad na inaprubaha­n ng Senate-House bicameral committee noong Disyembre 13 na kaltasan ang personal income tax at dagdagan ang buwis sa gasolina, sasakyan, pagmimina, langis, at sigarilyo.

Ang orihinal na disenyo ng bersiyon ng TRAIN ay mayroong mababang tax rate para sa fixed-income earners, at ang hindi lamang kabilang ay ang unang P250,000 na taunang kita, na inaprubaha­n ng bicameral committee. Itinaas din sa P90,000 ang tax exemption para sa 13th month pay at iba pang bonus. Kung titingnan, 30 porsiyento ng kita ang mapupunta sa edukasyon — una ay upang pondohan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, mga programang pangkalusu­gan, nutrisyon, mga programang kontra sa pagkagutom, social protection, social welfare at benefits program, trabaho at pabahay, habang ang 70 porsiyento ay mapupunta sa ‘Build, Build, Build’ infrastruc­ture program, imprasturk­tura sa militar, mga pasilidad na pang sports sa mga pampubliko­ng paaralan, at mga potable drinking water sa lahat ng pampubliko­ng lugar, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines