Balita

Apat na koponan, pakitang-gilas sa Flying V

-

Para kay NLEX coach Yeng Guiao, hindi siya magtataka sa puwedeng maipakita ni Ravena dahil batid na aniya ng lahat ang kakayahan ng second generation player.

“I know what I expect. I guess everybody knows what he can do, so I’m no longer surprised with what he’s able to do for our team.,” pahayag ni Guiao. “And the good side is that he”s going to get better and he’s going to be special in this league.”

Inaasahan din ang pagpapakit­a ng lalo pang pagangat sa laro ng Road Warriors buhat sa naging performanc­e nila noong season 42 sa pangunguna nina Kevin Alas, JR Quiñahan, Larry Fonacier, Asi Taulava at Cyrus Baguio.

Wala namang maituturin­g na marquee player, aasa ang Kia sa sipag na ipapakita ng kanyang mga players sa lahat ng aspeto ng laro.

“We’re realistic in knowing that we may not have top tier guys but what we have are the hardest workers in this league and I can attest to that hard work,” pahayag ni Kia coach Chris Gavina. “We’re envisionin­g our team to be highly- discipline­d and to be defensive-minded.”

Ang naturang sipag ang inaasahan ni Gavina na magpupuno sa kakulangan ng koponan pagdating sa antas ng talento.

Sa tampok na laro, taglay ang bagong pangalang Magnolia Chicken Hotshots buhat sa dating Star, target ng koponan na malagpasan ang pinakamata­as na inabot nila sa nakalipa sna season.

Tulad nila, asam din ng katunggali­ng Alaska Aces na makabawi ngayong season 43.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines