Balita

Pondo ng Karate jins, kinangkong sa Germany

- Ni ANNIE ABAD FERNANDEZ:

H IND I pinaglagpa­s ni Philippine Sports Commission ( PSC) Commission­er ang panahon ng Kapaskuhan para isiwalat ang aniya’y pangangank­ong ng opisyal ng Philippine Karate-do Federation ( PKF) sa training allowances ng mga atleta na nagsanay sa Germany para sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Agosto.

Sa kanyang expose sa FB account Maxi Green, sinabi ni Fernandez, na anim na miyembro ng Philippine Karate-do Team ang nagbigay sa kanya ng sinumpaang-salaysay para patotohana­n na kulang ang pondong ibinigay sa kanila ni PKF Secretary-General Raymond Lee para sa kanilang 20araw na pagsasanay bilang paghahanda sa SEA Games.

Ayon kay Fernandez, inaprubaha­n ng PSC Board ang pondong P3,217,874.75 na hininge ng PKF para sa Germany training ng koponan nitong Hulyo.

Batay sa approved budget, ang 12 atleta na miyembro ng koponan ay pinaglaana­n ng tig-US$1,800 (P90,800) para sa 20 araw na pagsasanay.

Ngunit, sinabi ng mga karatekas kay Fernandez na ang ibinigay sa kanila ni Lee ay €400 katumbas ng US$470.

“Simpleng mathematic­s lang naman ito. Kung US$470 ang nakuha ng atleta, nasaan napunta yung mahigit US$1,000 sa kanilang mga budget. Kung 12 sila may US$12,000 ang napunta kanino?,” pahayag ni Fernandez.

“Nagbigay na ako ng warning matagal na na itigil na ng mga NSA ang korupsyon, pero patuloy sila, kaya ibibigay namin ang batas sa inyo,” aniya.

“We are readying a complaint to be given to the NBI and VACC for investigat­ion and filing of a case in the DOJ,” pahayag ni Fernandez sa kanyang mensahe sa FB.

Nitong Lunes, sinabi ni Fernandez na nakipag-ugnayan na rin umano sina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at PSC Executive Director Hannah Frivaldo sa National Bureau of Investigat­ion (NBI) para sa legal na pamamaraan para papanaguti­n ang mga opisyal na sangkot dito.

“The PSC gave them $1,800 (each) for their 20-day training in Germany prior to the SEA Games, (but only) €400 was given and they were made to sign for $1,800,” pahayag ng Cebu-based sports official sa panayam ng SunStar Cebu.

“I was able to get their expose. Six of them signed it, including (OJ) James Delos Santos, from Cebu.”

Kabilang sa mga nasabing atleta sina John Paul Bejar, Miyuki Tacay, rexor Tacay,Vincent Badil, Engener Stoner Dagohoy,jason Ramil Macaalay,mae Soriano,Ireneo Soriano jr.,Carmelo Patricio Jr, OJ de los Santos, Sharief Afif, Erica Celine Samonte at Kimberly Madrona.

Nakapaguwi ang PH karatekas ng tatlong silver at apat na bronze mula sa Sea Games.

Iginiit naman ni PKF president Joey Romasanta na suportado niya ang imbestigas­yon na ginagawa ng PSC hinggil sa reklamo ng mga atleta.

“Kaisa ako ng PSC to get to the bottom of this”, pahayag ni Romasanta. managot Managot ang

 ??  ?? dapat
dapat

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines