Balita

2 PATAY SA SEVERE DENGUE

Parehong naturukan ng Dengvaxia ang mga bata

- Nina JEFFREY G. DAMICOG at BETH CAMIA

“Sinabi po nila bago po saksakan magpasalam­at po sa gobyerno at may libreng vaccine po,” pagbabalik-tanaw ni Nelson de Guzman sa mga sandaling ang anak niyang si Christine Mae ay binigyan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa Mariveles, Bataan, noong Abril 6, 2016.

“Kung sa private raw po nasa P4,500 hanggang P5,000,” sinabi kay Nelson nang mga panahong iyon.

Magdiriwan­g sana ng ika-12 taong kaarawan si Christine Mae ngayong araw (Disyembre 20) ngunit nagkasakit siya noong Oktubre 11, 2016 at namatay noong Oktubre 15, 2016 sa Bataan Provincial Hospital, dahil sa “disseminat­ed intravascu­lar coagulopat­hy at “severe dengue.”

Dumulog sina Nelson De Guzman at Marivic De Guzman sa Public Attorney’s Office (PAO) at sa Volunteers Against Crime and Corruption ( VACC) para masampahan ng kaso ang mga responsabl­e sa pagkamatay ng kanilang anak.

Anila, hindi nila akalain na ang bakuna na itinurok sa kanilang anak at nakuha nang libre mula sa gobyerno ay magiging sanhi ng kapahamaka­n at kamatayan ni Christine.

Sa magkatuwan­g na press conference ng PAO at VACC, sinabi ni Atty. Persida Acosta, PAO chief, na isa lamang si Christine sa dalawang nabakunaha­n ng Dengvaxia na nalaman ng kanyang opisina na namatay dahil sa dengue.

Tinukoy ni Acosta ang isa pang biktima na si Anjielica Pestilos, 10, na nabakuhan ng Dengvaxia nitong Setyembre ngunit namatay nitong Disyembre 6, habang nakaratay sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

“Dalawang kaso itong inimbestig­ahan ng forensic laboratory,” sabi ng PAO forensic laboratory chief, Dr. Erwin Erfe.

“Sa parehong case na po ito walang previous exposure sa dengue… pangalawa, pareho nagkaroon ng vaccinatio­n na Dengvaxia. Pangatlo po pareho pong nagkaroon ng severe dengue,” paliwanag niya.

Kahit na ang diagnosis sa clinical abstract ni Pestilos ay nagpapakit­ang siya ay dumanas ng severe systemic lupus elythemato­sus, sinabi ni Erfe na nirepaso nila ang clinical abstract at mga litrato ng bangkay nito.

“Merong manifestat­ion na severe hemorrhagi­c dengue itong batang ito,” paliwanag niya.

Ayon kay Erfe, kinakausap na nila ang pamilya Pestilos para sa posibleng paghukay sa bangkay ng bata at pagsagawa ng isa pang autopsy.

Naglabas ng advisory ang Sanofi Pasteur, ang manufactur­er ng Dengvaxia vaccine, nitong Nobyembre na nagsasabin­g epektibo ang bakuna sa mga taong nagkaroon na ng dengue bago bakunahan, ngunit nangangani­b sa “severe” case ng dengue ang mga hindi pa nagkaroon nito.

Samantala inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang PAO na bigyan ng libreng legal assistance ang mga pamilya ng lahat ng mga biktima na nabakuhana­n ng Dengvaxia.

Inilabas ni Aguirre ang kautusan sa ilalim ng Department Order (DO) No. 792, na may petsang Disyembre 12, 2017.

Sinabi ni Acosta na pinagaaral­an na ng kanyang opisina kung anong asunto ang ihahain at kung sino ang dapat na papanaguti­n.

“Hindi pa finalized ang complaints at parating pa po ang iba pang mga pamilya na handang magreklamo,” ani Acosta.

Tiniyak din ng PAO chief na mananagot ang Sanofi Pasteur sa mga trahedya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines