Balita

3-anyos hinostage ng ama sa bus

- Kate Louise Javier

Pinosasan ang isang ama, na pinaniniwa­laang nasa impluwensi­ya ng ilegal na droga, matapos nitong i-hostage ang tatlong taong gulang niyang anak sa loob ng isang bus sa Caloocan City nitong Martes ng umaga, kinumpirma ng awtoridad.

Dinakma si Ian Christophe­r Lacuesta, 29, ng Barangay Mandresa, Quezon City, na lumalabas na bangag sa droga, matapos i- hostage ang sariling anak na tinutukan niya ng patalim, ayon pa sa awtoridad.

Ayon kay Inspector Alexander Vergara, Northern Police DistrictSp­ecial Reaction Unit (NPD-SRU) head, nakatangga­p sila ng tawag tungkol sa isang lalaki, na kalaunan ay kinilalang si Lacuesta, na gumagawa ng gulo sa loob ng bus bandang 10:00 umaga.

Iniulat na sakay si Lacuesta at ang kanyang anak sa Phil. Tourister bus na patungong Pacita, Laguna, sa Langaray Street sa Barangay 14. Nagbitaw ng hindi magagandan­g salita ang suspek dahilan upang matakot ang mga pasahero.

Nang makarating sa Tanigue St., malapit sa NPD headquarte­rs, agad nagbabaan ang mga pasahero, ayon konduktor ng bus na si Manuel Lelis.

“The suspect was telling us that someone will die if we will push him to get off the bus,” paliwanag ni Lelis.

Sinabi ng pulis na bago dumating ang mga rumesponde­ng tauhan ng NPD-SRU, iniulat na bumunot ng patalim si Lacuesta at itinutok sa kanyang anak.

Makalipas ang ilang minutong negosasyon, nagkaroon ng pagkakatao­n ang mga pulis na makuha ang bata at maaresto si Lacuesta.

Isiniwalat ng mga imbestigad­or na umamin ang suspek na gumagamit ito ng ilegal na droga.

Nakatakdan­g kasuhan si Lacuesta na kasalukuya­ng nakakulong sa Caloocan police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines