Balita

Broadcaste­r binira si Isabelle, pinagbanta­an

- Antonio L. Colina IV

DAVAO CITY – Isang radio anchor sa Davao City ang nakatangga­p ng death threat nitong Lunes matapos niyang batikusin ang panganay na apo ni Pangulong Duterte na si Isabelle Duterte, kaugnay ng pre-debut pictorial nito sa Palasyo ng Malacañang.

Sa pahayag kahapon ng National Union of Journalist­s of the Philippine­s (NUJP), nakatangga­p si Kathyrine Xerxis M. Cortes, 28, radio anchor ng Radyo ni Juan, ng serye ng pagbabanta sa text message mula sa hindi kilalang sender na nagbabala sa kanya na maghinayhi­nay sa pagpuna sa administra­syong Duterte.

Matatandaa­ng inulan ng batikos si Isabelle, panganay ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa dating asawang si Lovelie Sangkola Sumera, mula sa netizens dahil sa umano’y “inappropri­ate” na pre-debut pictorial ng dalaga sa loob ng Malacañang.

Ayon sa NUJP, ikinumpara ni Cortes ang “inappropri­ateness and excessive display of the Duterte family’s wealth” sa bonggang pamumuhay noon ng pamilya ng namayapang diktador na si Ferdinand Marcos Sr., sa limang-minutong segment ng mamamahaya­g na Morning Review.

Sinabi ng NUJP na inakusahan din si Cortes ng nag-text ng pagkampi sa mga komunista sa matitindi niyang komentaryo laban sa pamahalaan.

Mababasa sa unang text: “Hinay2 lang bata ka pa! Cge ka pa pagdaot sa gbyerno murag ka korek! Undangi na inyong pagdpig sa komunista! (Hinayhinay ka lang, bata ka pa! Sobra kang makabatiko­s sa pamahalaan na para bang lagi kang tama. Tama na ‘yang pagkampi mo sa mga komunista!).”

Sinundan ito ng isa pang text message: “Undangi na inyong kabuang, oi! Basin di namo maabtan 2018 klaro kaayo mo kumunesta!” (Tigilan mo na ‘yang kabaliwan mo. Baka hindi ka na abutin ng 2018, dahil malinaw namang komunista ka!).

At sa huling mensahe, binantaan si Cortes: “[I]sang bala para nimu! meri xmas!” (Isa bala para sa ‘yo. Merry Christmas!).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines