Balita

Mga pelikula sa ating buhay

- Manny Villar

SA Pilipinas, maraming palatandaa­n na papalapit na ang Pasko. Oktubre pa lamang, maririnig na ang mga awiting pamasko sa radio. Kung minsan ay nakakainis kapag may mga istasyon na araw-araw ay sinasabi kung ilan na lang ang nalalabing araw bago mag-Pasko.

Sa mga lalawigan, maaamoy na ang mga panindang bibingka at puto bumbong sa mga tindahan sa kanto. Mararamdam­an din ang paglamig ng simoy ng hangin. Sa Maynila, lalong bumibigat ang trapiko papunta sa mga tiangge at mall.

Ito rin ang panahon kung kailan itinatangh­al ang malalaking pelikula mula sa Hollywood at ang pagbibigay­daan sa mga pelikulang Pilipino. Sa araw ng Pasko, karaniwan nang makikita ang mga pamilya na samasamang nanonood sa Metro Manila Film Festival. Bakit nga ba napakahili­g natin sa pelikula?

Para sa akin, gusto kong manood ng sine dahil pinagagaan­g nito ang aking pakiramdam. Sa loob ng dalawang oras, pansamanta­la akong nakakalawa sa mga karaniwang gawain at namamalagi sa sariling mundo. May mga nagsasabi na ang mga pelikula ay isang paraan para takasan ang reyalidad, ngunit para sa akin ay mabuti ito dahil nalilimuta­n, kahit sandali, ang anumang bumabagaba­g sa akin.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga sinehan sa aming mga mall ay siyang pinaka-moderno. Ang Vista Cinema sa Evia Lifestyle Center ay kaisa-isang may MX4D Motion EFX Theater sa bansa. Ang teknolohiy­ang 4D cinema ay may mga upuan na gumagalaw kasabay ng aksiyon sa pelikula samantalan­g sa pamamagita­n ng special EFX generators ay nararamdam­an ng mga nanonood ang bawat galaw, pagtagilid, ihip ng hangin at iba pang epekto.

Ang panonood ng pelikula ay isang pagkakatao­n din upang makapiling ang mga mahal sa buhay. Isa itong mabisang dahilan upang makipagtip­an sa aking maybahay.

Mahilig ako sa lahat ng pelikula maliban lamang sa katatakuta­n. Hindi ako nanonood ng pelikula na iniiwan akong sumisigaw at dumadagund­ong ang puso. Ang hilig ko ay komedya, at mga pelikulang romantiko. Sa kabilang dako, mas mahilig ang aking maybabay sa nga pelikula ukol sa krimen.

Gusto ng mga kritiko ang mga pelikulang mataas ang uring artistiko, ngunit sa aking pananaw, inaalis nito ang kasiyahan sa panonood. Gusto ko ang mga pelikula na nakamamang­ha. Natatandaa­n ko na noong bata pa ako, kasama ang aking mga kaibigan ay nanonood kami ng sine sa Quiapo...

at Recto.

Kaya nga, sa pagdating ng Pasko, gusto kong batiin ang ating mga mambabasa. Sana ay magkaroon kayo ng pinaka-natatangin­g panahon sa piling ng inyong pamilya. Manood ng sine, ngunit ang mahalaga ay ipagdiwang kung ano ang mayroon kayo.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

(Ipadala ang reaksiyon sa: mbv.secretaria­t@ gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com. ph)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines